Close

November 5, 2023

Paano Ba Maging Church Leader?

Kailangan ng simbahan ng mga “good shepherd” na magsisilbing gabay sa ating paglalakbay sa mundong puno ng pagsubok at pagdurusa. Ngayong linggo, hinihikayat ni Rev. Mike Cariño ang mga tinawag ng Diyos na mamuno sa Kanyang simbahan na maging mabuting tagapag-alaga at pastol na patuloy na tinutularan ang halimba ng natatanging “Good Shepherd”.

The Church needs good shepherds to serve as guides in our journey through a world of hardship and pain. This week, Rev. Mike Cariño urges those whom God has called to lead His church to be good stewards and shepherds as they follow the example of the One Good Shepherd.


Basahin sa Bibliya

1 Peter 5:1-4

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ilarawan ang isang pagkakataon na naranasan mo ang bunga ng maayos na pagganap ng isang church leader sa kanyang tungkulin. Paano mo ito naranasan?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Anu-ano ang tatlong tama at maling motibasyon sa pagministeryo sa simbahan (vv.2-3)?
• Paano naiiba ang tungkulin ng church leaders sa mga motibasyon at paraan ng mga leader ng mundo?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pagnilayan ang iyong motibasyon sa pagministeryo o pag-serve sa loob man o sa labas ng simbahan? Ito ba ay nagmumula sa isang bukal na puso at pagmamahal sa mga tao o ito ba ay nagmumula sa pagiging makasarili?
• Paano makakaapekto sa pag-serve mo sa iyong tungkulin ang pagkakilala mo kay Jesus bilang Chief Shepherd (Pinunong Pastol)?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mong praktikal na maipagsasama ang konsepto ng pangangalaga sa mga tupa ng Diyos, sa pag-unawa sa Katotohanan, sa iyong personal na paraan ng pamumuno?
• Sa anong mga paraan ka makaka-contribute sa mga aspeto ng pagpapastol at pag-aalaga sa loob ng komunidad ng iyong simbahan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit sa pagbibigay ng malinaw na mga instructions sa mga pinuno ng simbahan tungkol sa pagbibigay ng espiritwal na pagkain sa pamamagitan ng tamang doktrina at pag-ako ng tungkulin na pangalagaan ang mga kapatid sa pananampalataya. Magpasalamat sa Kanya para sa mga tapat na pastol o leader na nangangalaga sa CBCP. Ipanalangin na patuloy silang magkaroon ng kababaang-loob at pagtitiwala sa Panginoon sa kanilang pampubliko at pampribadong buhay upang sila ay maging isang maka-Diyos na halimbawa sa lahat.
• Ipanalangin na ang lahat ng mananampalataya ay lumago sa kagandahang-loob at kaalaman sa Panginoon. Mapagpakumbaba na humiling sa Diyos ng kaunawaan at lakas ng loob na gamitin ang iyong espirituwal na mga kaloob upang maglingkod sa mga nasa paligid mo.
• Humingi sa Diyos ng mga pagkakataon na mag-serve sa iba at bigyan ka ng hangarin na mapagpakumbabang matuto mula sa mga leader ng simbahan. Ipagkumpisal ang mga oras na nangingibabaw ang kayabangan at mga makasariling motibasyon sa pag-serve.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.