Close

July 16, 2023

Hindi Man Makita, God is At Work (Part 10)

Kumikilos ang Diyos sa likod ng bawat pangyayari kahit na minsan tila Siya’y nananahimik at hindi natin maramdaman ang Kanyang presensiya. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Joseph Ouano na hindi tayo iiwan o pababayaan ng Diyos kailanman. Magtiwala at umasa tayo sa Panginoon sa gitna ng hirap at ginhawa.

God is present and working behind the scenes, even when He seems silent or when we can’t feel His presence. This week. Ptr. Joseph Ouano reminds us that God will never leave us nor forsake us. Let us trust and hope in the Lord through both good and bad times.


Basahin sa Bibliya

Esther 10

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Paano kumilos ang Diyos nitong nakaraang linggo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Alalahanin ang mga natutunan sa libro ng Esther. (Note to leaders: maging handa sa pagbigay ng mga highlight.)
• Ano ang natutunan mo tungkol sa DIyos?
• Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong sarili?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Nagkaroon ba ng panahon na nahirapan kang makita ang pagkilos ng Diyos sa iyong buhay? Sa tingin mo bakit ka nahirapan dito? (Note to leaders: Tukuyin kung may mga isyu sa puso sa kanilang relasyon sa Diyos. Maaari mong piliing maglaan ng mas mahabang oras para mas lumalim ang usapan. Iwasang magbigay ng mga pansamantalang solusyon.)
• Ano ang panghahawakan mo sa tuwing hindi mo makita ang pagkilos ng Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Activity: Ipasulat sa bawat miyembro ang mga sitwasyong nakita nila ang pagkilos ng Diyos sa kanilang buhay. Ito ay magiging isang paalala para sa kanila sa susunod na hindi nila maramdaman o makita ang pagkilos ng Diyos.

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang katapatan. Hindi Niya tayo iiwanan o pababayaan. Sa Kanyan, tayo ay matagumpay. Salamat sa Diyos na kahit hindi natin nakikita, hindi Siya tumitigil sa pagkilos sa pagpapatupad ng Kanyang kalooban at para sa ating ikabubuti.
• Ikumpisal ang mga panahong hindi tayo nagtitiwala sa Diyos at umiiwas sa Kanyang kalooban.
• Ipagdasal na magkaroon ng lakas ng loob na magtiwala sa Diyos, umasa sa Kanya, at matapat na sumunod sa Diyos kahit na hindi natin nakikita ang Kanyang pagkilos.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.