Hindi Man Makita, God is At Work (Part 9)
Sa huli, mananaig ang kabutihan laban sa kasamaan. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Joseph Ouano na mayroon tayong mga rason upang magsaya at magpasalamat kahit na sa gitna ng madidilim na sandali. Kaya ng ating Diyos na palitan ang ating kalungkutan ng kagalakan, at ang ating pagdadalamhati ng pagdiriwang.
Good will ultimately prevail over evil. This week, Ptr. Joseph Ouano reminds us that we have reasons to rejoice, even in our darkest moments. For God will turn our sorrows into joy and our mourning into celebration.
Basahin sa Bibliya
Esther 9
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano/Sino ang itinuturing mong kaaway o hadlang sa iyong buhay? Anong klaseng hadlang o kaaway ang nakatagpo mo sa iyong buhay? (Note to leaders: ito ay maaaring isang partikular na tao, sitwasyon, o sariling puso.)
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano nanalo ang mga Hudyo?
• Sa anong paraan ka hinahamon ng talatang ito? (Note to leaders: ang mga sagot ay maaaring (1) teolohikal na pag-unawa sa soberanya ng Diyos, (2) realidad ng tagumpay ng Diyos sa kanilang personal na buhay, (3) pagtugon nang may kasiyahan at pagbabahagi ng mga pagpapalang natanggap nila, atbp.)
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Para sayo, ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay nagtagumpay?
• Paano mo naranasan ang tagumpay na binibigay ng Diyos nitong mga nakaraang linggo?
• Paano ka tumutugon sa tagumpay na binibigay sayo ng Diyos?
• Ano ang ipinapaalam sa iyo ng Banal na Espiritu habang pinagninilayan mo ang tagumpay ng Diyos sa pamamagitan ng Krus?
5. Engage the hands (15-20 mins) • Ano ang dapat magbago sa iyong puso? Paano mo nais tumugon sa Banal na Espiritu?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang tagumpay sa pamamagitan ng Krus at tayo ay malaya na sa pagkakaalipin sa kasalanan at kasamaan.
• Manalangin para sa isang pusong naghahangad na sumunod at parangalan ang Diyos, upang lubos na ikagalak ang ating kalayaan, at talikuran ang ating mga kasalanan.
• Ipanalangin ang pagiging bukas ng ating puso upang patuloy na pagnilayan ang Krus at ang kasaganahan ng Kanyang biyaya upang tayo ay buong pusong magalak at maibahagi ang Kanyang mga pagpapala sa iba.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.