Hindi Man Makita, God is at Work (Part 1)
Nasa kamay na ng hari ng Persia ang lahat – yaman, kapangyarihan at kaharian, ngunit nagawa pa ring talikuran ng asawa niya ang kanyang utos. Itong linggo, ilalahad ni Ptr. Mike Cariño ang mga pangyayari sa naging pagkilos ng Diyos upang iligtas ang Kanyang bayan mula sa kapahamakan.
The king of Persia had wealth, power, and control over the world’s greatest empire, and yet his own wife dared to ignore his command. This week, Ptr. Mike Cariño shows us the events that led to God stretching out His invisible hands to save His people from annihilation.
Basahin sa Bibliya
Esther 1: 1-22
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Sa anong paraan mo naranasan ang kabutihang-loob ng Diyos nitong nakaraang linggo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Sinu-sino ang mga tauhan sa talatang binasa? Ano ang sitwasyon na kinalalagyan nila?
• Hindi nabanggit ang Diyos sa talata. Sa anong paraan mo nakita ang Diyos sa istorya?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ilarawan ang mga tao na nasa talata. Sumasalamin ba sayo ang alinman sa kanila?
• May mga sitwasyon ba na hindi mo nakikita or nararamdaman ang Diyos? Anong nararamdaman mo tungkol dito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo gustong tumugon sa Diyos sa tuwing ikaw ay nahaharap sa mga sitwasyong mukhang wala ang presensya ng Diyos?
• Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang lumalim at mapagtibay ang iyong pagtitiwala sa Diyos kahit na ikaw nahaharap sa mga pagsubok?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon sa Kanyang kabutihang-loob, pag-ibig, at kaloob. Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang gawain sa ating buhay sa kabila ng ating limitadong karunungan at pananaw sa Kanyang gawain sa ating buhay.
• Ipagkumpisal ang mga panahong tayo ay nagdududa sa kakayahan at presensya ng Diyos.
• Manalangin para sa patuloy na pagtitiwala at pagkilala kung sino ang Diyos upang tayo ay tumugon ng kalugod-lugod sa Diyos sa mga pagsubok.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.