Ang Pamilya Ng Diyos
Tayo ay magkakapatid kay Cristo dahil sa Gospel. Itong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Mike Cariño na ang lahat ng naniniwala kay Cristo ay bahagi na ng pamilya ng Diyos at tayo’y nagbibigay puri sa Kanya kapag minamahal, nirerespeto, at tinutulungan natin ang isa’t-isa.
We are all brothers & sisters in Christ because of the Gospel. This week, Ptr. Mike Cariño reminds us that whoever believes in Jesus is part of God’s family, and we glorify Him when we love, honor, and build up one another.
Basahin sa Bibliya
Romans 16:1-27
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang natutunan mo mula sa message?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang matututunan natin mula sa pagbati at pagbibigay parangal ni Paul (Pablo) sa mga taong naglilingkod sa Diyos? Bakit mahalagang pagtibayain ang loob ng mga naglilingkod sa Diyos?
• Ayon kay Paul, sa anong bagay natin kailangang mag-ingat?
• Ano ang hiwagang inihayag ng Diyos sa atin?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Para sayo, ano ang ibig sabihin na ang lahat ng mananampalataya ay nabibilang sa iisang pamilya?
• Paano nangusap ang Diyos sa iyo sa pamamagitan ng book of Romans? (Note to leaders: Lubos na makakatulong kung aalalahanin natin kung ano ang mga naibahagi ng ating mga miyembro noong mga nakaraang pagtitipon.)
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa pagtatapos natin ng book of Romans, ano ang ninanais ng Diyos na sundin mo? Paano mo sisimulang sumunod sa Kanya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Pasalamatan ang Diyos sa patuloy na pangungusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang salita, ng kapwa mananampalataya, at ng mga pangyayari sa ating buhay at paligid.
• Magpasalamat sa Diyos sa paghayag ng hiwaga ng Ebanghelyo sa atin – na tayo ay iniligtas, kabilang sa isang katawan, at tinawag na mga anak ng Diyos dahil kay Kristo.
• Hilingin sa Banal na Espiritu na tulungan tayong sumunod sa Panginoon at magpatuloy sa mamuhay na ayon sa kagustuhan ng Diyos. Nawa’y si Hesus ang maging motibasyon natin upang mahalin, pasiglahin at patatagin ang isa’t isa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.