Wag Kang Basher: Accepting Others Even When We Disagree (Part 2)
Kailangan natin matutong makisama at magkaisa bilang Katawan ni Kristo. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Mike Cariño na palakasin ang isa’t isa sa pananampalataya, tularan si Kristo upang magkaisa, at buong-pusong tanggapin ang bawa’t isa tulad ng pagtanggap ng Diyos sa atin.
We should learn to bear each other’s weaknesses and focus on living in unity as the Body of Christ. This week, Ptr. Mike Cariño urges us to help each other in the faith, imitate Christ to foster unity, and accept each other as God has accepted us.
Basahin sa Bibliya
Romans 15:1-14
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng 1 o 2 pananaw o opinyon ng iyong kapwa na nahihirapan kang tanggapin.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Sa anong mga paraan o halibawa na ipinakita ni Hesus ang pagtanggap sa kapwa?
• Ano ang ibig sabihin ng “tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin”?
• Ano ang dapat nating maging motibasyon sa pagtanggap at pagpapatibay ng iba?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pagnilayan: Ano ang ilan sa mga tinuturi mong kahinaan sa iyong buhay? (Note to leaders: Maglaan ng ilang minuto ng katahimikan upang magmuni-muni. Hikayatin ang mga miyembro na magbahagi ngunit huwag silang pilitin. Ito ay isang pagkakataon upang ipaalala o ibahagi sa kanila ang pag-ibig ni Kristo para sa bawa’t isa sa lahat ng ating mga pagkabigo at kahinaan. Gabayan ang grupo sa panalangin ng pangungumpisal.)
• Para sayo, ano ang ibig sabihin at kahalagahan na ikaw ay tanggap ni Hesus sa lahat ng ating pagkabigo at kahinaan? Ano ang iyong tugon dito?
• Ano ang ilan sa mga handlang sa pagsunod natin sa halimbawa ni Kristo sa pagtanggap ng ating kapwa?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang maaari mong gawin bilang pagsunod sa halimbawa ni Kristo sa pagtanggap sa iba lalo na sa mga may iba’t ibang pananaw/opinyon (hal. simulan ang pakikisama, pag-uusap, atbp.)?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa ating Panginoon sa pagtanggap sa atin noong tayo ay makasalanan pa at sa patuloy na pagmamahal Niya sa kabila ng ating mga kahinaan.
• Manalangin para sa puso na naghahangad na sundin ang halimbawa ni Kristo sa pagtanggap sa ating kapwa. Ipanalangin ang gawain ng Espiritu sa ating buhay at sa pamamagitan natin, upang maisantabi natin ang ating mga pagkakaiba at tanggapin ang isa’t isa tulad ng pagtanggap sa atin ni Kristo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.