Wag Kang Basher: Accepting Others Even When We Disagree (Part 1)
Dahil kay Cristo, kaya nating mga Kristiyano na magmahalan bilang magkakapatid kahit magkakaiba ang ating pananaw sa maraming bagay. Ngayong linggo, ipapaalala ni Ptr. Mike Cariño na dapat nating isantabi ang anumang panghuhusga na mula sa di pagkakaparehas ng opinyon. Sa halip, dapat nating pa-iralin ang pagtutulungan upang maging malalim pa ang pananampalataya ng bawat isa.
Because of Christ, we can love and accept each other even if we differ in opinions or issues. This week, Ptr. Mike Cariño urges us to set aside our judgment of each other and instead build each other up when dealing with matters of personal opinion or conscience disputes.
Basahin sa Bibliya
Romans 14:1-23
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang ilan sa iyong mga paniniwala o convictions bilang isang mananampalataya ni Kristo? (Ito ang mga bagay sa iyong buhay na hindi mo ikokompromiso)
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ilarawan ang isang taong may mahina na konsyensya. Ilarawan ang isang taong may matibay na konsyensya.
• Paano dapat tumugon ang mga mananampalataya kung magkaiba ang inyong opinyon?
• Ano ang sinasabi ni Paul (Pablo) tungkol sa paghusga at paghamak sa iyong kapatid? Ano ang dapat nating gawin sa halip na manghusga at manghamak?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pagnilayan. Para sayo, anong mga bahagi ng iyong buhay ang mahina ang iyong konsyensya (ang mga bagay na kailangan mong iwasan o tanggihan upang malayo sa matukso at lumago ang iyong pananampalataya)?
– Ano ang ilang paraan na maaari mong gawin upang pagtibayin ang ating mga kapwa sa kanilang pananampalataya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang maaari mong simulan upang patuloy mong pagtibayin ang iyong pananampalataya?
• Mag-isip ng taong gusto mong tulungang patatagin ang kanyang pananampalataya. Ano ang maaari mong gawin upang simulan ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Panginoon na natupad na ni Hesus ang Kautusan. Tayo ay naging malaya dahil sa Kanya at ngayon ay nabubuhay sa ilalim ng Kanyang kagandahang-loob.
• Manalangin para sa Espiritu na ihayag ang anumang nakatagong kasalanan sa Diyos at sa ating mga kapwa mananampalataya. Ikumpisal ang mga panahong tayo ay nanghusga at nanghamak ng kapwa sa kanilang pananampalataya.
• Manalangin para sa mga pagkakataong tumulong na patatagin ang pananampalataya ng ating kapwa bilang isang katawan ni Kristo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.