Dapat Ba Akong Mag-sumite sa Gobyerno?
Bakit mahalaga na sinusunod natin ang gobyerno bilang mga Kristiyano? Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Nathan Tee ang layunin ng Diyos sa pagtatatag ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan.
Why is it still important for Christians to submit to government authorities? This week, Ptr. Nathan Tee explains God’s plan in appointing persons in authority to govern over us and their God-designed role in maintaining peace and order in society.
Basahin sa Bibliya
Romans 13:1-7
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng karanasan sa pakikitungo sa mga nanunungkulan sa gobyerno (hal. Sa trapiko, mga opisina ng gobyerno, atbp. Note to leaders: Hikayatin ang pagkakaroon ng malayang talakayan ngunit hindi ang pakikipagtalo)
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ang nagtatag ng mga awtoridad (mapa-mabuti man o masama ang nanunungkulan)?
• Paano nagkakatugma o nagkakasalungat ang disenyo ng Diyos sa mga awtoridad at sa kasalukuyang realidad nito. Ano ang ipinapakita nito tungkol sa tao?
• Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang iyong saloobin sa mga awtoridad sa iyong buhay?
• Ano ang dapat magbago upang ang ating sarili ay may kusang loob na magpasakop sa mga awtoridad sa iyong buhay? (Note to leaders: Maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot. Maaaring pagbabago sa mga taong nasa awtoridad (panlabas) o pagbabago sa sariling puso ng miyembro (panloob). Pinakamainam na magkaroon ng pagninilay sa panloob na pagbabago ngunit huwag silang pilitin. Maging handa na pakinggan ang kanilang mga sagot.)
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Bilang tagapagsunod ni Kristo, ano ang tungkulin natin sa disenyo ng Diyos para sa awtoridad? Ano ang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang tulungan ang mga awtoridad na gampanan ang kanilang tungkulin?
• Kung ikaw ay may katungkulan sa iyong kinatatayuan (sa pamilya, trabaho, eskwela, atbp.), paano mo magagamit ang kaloob ng awtoridad na ibinigay sa iyo ng Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang pamumuno sa lahat na ‘syang nagpapalakas sa atin upang tayong magtiwala na ginagawa Niya ang lahat para sa Kanyang layunin.
• Humingi ng kapatawaran para sa mga oras na tayo ay nakikisama sa kasamaan ng lipunan at sa pagkakaroon ng hindi kanais-nais na saloobin sa awtoridad, na nakakalimutan na ang Diyos ang ating tunay na Hari at Panginoon.
• Manalangin para sa biyaya ng Diyos na mamuhay ayon sa Espiritu habang nagpapasakop tayo sa awtoridad kahit na ito ay mahirap, at para sa isang mapagpakumbabang puso na magpasakop sa Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.