Close

October 16, 2022

Gusto Ko Magbago, Paano?: Extreme Makeover Through the Gospel (Part 1)


Paano ba natin mababago ang ating mga sarili upang maging katanggap-tanggap sa Diyos? Ngayong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Mike Cariño na ang susi tungo sa pagbabago ng ating puso, isip, at pangangatawan ay ang kapangyarihan ng Gospel.


Basahin sa Bibliya

Romans 12

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang natutunan mo mula sa sermon noong nakaraang Linggo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Paano mababago ng Gospel ang pakikitungo natin sa Diyos?
• Paano mababago ng Gospel ang pakikitungo natin sa ating sarili?
• Paano mababago ng Gospel ang pakikitungo natin sa ibang tao?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan natin maaaring ibigay ang ating sarili para sa Diyos?
• Anong mga bagay sa ating pag-iisip ang dapat baguhin at palitan upang maging mabuti, kalugod-lugod at ganap na kalooban ng Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga hakbang ang maaaring mong umpisahan upang magbago at mapalitan ang mga bagay sa iyong buhay na hindi kalugod-lugod sa Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa patuloy na awa at pagmamahal ng Diyos.
• Ipagdasal na lalong lumalim ang relasyon sa Diyos upang magkaroon ng pusong handang baguhin ng pagmamahal ng Diyos at maialay ang ating buhay ng buong buo.
• Humingi ng kalakasan mula sa Diyos dahil hindi magiging madali ang pagbabago ngunit ito ay ayon sa Kanyang kagustuhan.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.