Close

July 24, 2022

God Chose the Nation Israel Upang Ang Gospel ay Maipahayag Para sa Lahat (Part 2)

Sa kabila ng pagpili ng Diyos sa Israel bilang Kanyang bayan na pagmumulan ng Tagapagligtas ng sanilikha, hindi Siya tinanggap ng bayan na ito. Ngayong linggo, sisiyasatin natin kasama ni Ptr. Michael Cariño kung paanong ang hindi pagtanggap ng Israel sa Diyos ang naging daan sa pagbuo ng Bagong Tipan at ng Gospel na maipapahayag sa lahat ng sulok ng mundo.

God chose Israel as His nation and where Salvation would emanate from, but the Israelites rejected God instead. This week, Ptr. Michael Cariño explains how Israel’s rejection opened the way for God to raise a new covenant and a Gospel that will spread to the world.


Basahin sa Bibliya

Romans 9,10,11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Note to leader: Pumili ng 2 o 3 miyembro bago magtipon. Imbitahan silang ikwento ang mga naging karanasan nila sa pagbabahagi ng Gospel.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ilarawan ang saloobin ni Paul (Pablo) tungkol sa mga Hudyo at sa Gospel.
  • Ano ang kabuluhan na ang bansang Israel ay pinili ng Diyos? Ano ang kanilang tungkulin bilang isang bansang pinili ng Diyos?
  • Ano naman ang kahalagahan na sa pamamagitan ni Hesus ikaw ay kabilang sa pamilya ng Diyos? Ano ang iyong tungkulin bilang mananampalataya ni Hesus?(Note to leader: Maaaring tanungin ang mga miyembro kung anong bahagi ng Romans ang nahihirapan silang maunawaan at kung anong mga tanong ang nasa isip nila. Hindi mo kailangang magkaroon ng sagot sa lahat ngunit maaari ninyong alamin ang mga sagot bilang isang grupo.)

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang iyong saloobin tungkol sa Gospel? Ano ang pagkakapareho o pagkakaiba ninyo ni Paul?
  • Ano ang mga humahadlang sa iyo sa pagbabahagi sa iba ng Gospel?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  •  Mag-isip ng isang tao na gusto mong bahagian ng Gospel. Paano mo sisimulan ang pagbabahagi ng Gospel sa kanya? (hal. Ipagdasal siya bawat linggo, tawagan o makipagkita sa kanya isang beses sa isang buwan sa susunod na 6 na buwan na may layuning ibahagi ang Gospel, atbp.)

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Panginoon sa Kanyang kabutihang loob na gawin tayong kabahagi ng Kanyang pamilya.
  • Ipagdasal ang masuwayin nating puso na maging pusong masunurin kay Hesus. Ipagdasal na magkaroon ng pagnanais na ibahagi si Hesus sa mga tao sa ating buhay.
  • Ipanalangin ang mga partikular na tao na hindi pa tumatanggap kay Hesus, upang makita nila ang kanilang pangangailangan para sa isang Tagapagligtas at tumugon sa paanyaya ni Hesus.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.