Kaisahan ng Ama at Anak
Kailangan sikapin ng ama na bigyan ng sapat na panahon ang kaniyang mga anak at maging malapit sa kanila. Itong Araw ng mga Ama, hinihikayat ni Ptr. Allan Rillera ang bawat pamilya na tularan ang relasyon ng Panginoon sa bawat mananampalataya upang magkaroon ng pagkakaisa sa ating mga tahanan.
Fathers should strive to be close to and spend enough time with their children. This Father’s Day, let us join Ptr. Allan Rillera as he encourages families to emulate the Father’s relationship with believers so we can experience unity in our homes.
Basahin sa Bibliya
John 10:30
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ano ang kinahahangaan mo sa iyong ama?
- Para sa mga ama, ano ang ipinagmamalaki mo tungkol sa iyong anak?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong ama (o sa iyong sarili) sa pamamagitan ng mensahe?
- Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos Ama at sa Anak sa pamamagitan ng mensahe?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Anong bahagi ng mensahe ang nangungusap sa iyo?
- Para sa mga ama, ano ang iyong hangarin para sa iyong pamilya? Paano mo ito maisasakatuparan?
- Para sa mga hindi ama, ano ang iyong saloobin sa pagsuporta at pagpapakita ng pag-ibig sa iyong ama?
- Paano mo matutulungan ang iyong pamilya na maging mas malapit sa Diyos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Para sa mga ama, paano mo sisimulang paigtingin ang uganayan ninyo ng iyong anak?
- Para sa mga hindi ama, paano mo sisimulang ipakita ang iyong pag-ibig sa iyong ama?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa ating Ama sa Kanyang pag-ibig para sa atin at sa Kanyang ehemplo ng pag-ibig na ating dapat sundin.
- Dalhin sa Diyos ang anumang saloobin tungkol sa ating ama na hindi kanais-nais at humingi ng kapatawaran sa Diyos. Hilingin ang kakayahan ng Espiritu na mahalin at suportahan natin ang ating ama.
- Ipanalangin ang ating mga ama (espirituwal, pisikal, emosyonal, relasyon, atbp.).
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.