Close

June 12, 2022

Gospel: Kaparusahan Naging Kapatawaran

Tanging si Kristo lang ang dahilan kung bakit ang lahat ng tao ay may pagkakataong maligtas. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na ang sinumang sumampalataya kay Kristo ay tatanggap ng kapatawaran mula sa kasalanang dulot ni Adan at mabibigyan ng buhay na walang hanggan.

Adam was the reason for the fall of humanity, while Christ made a way to offer salvation to all. This week, Ptr. Michael Cariño shares how faith in Christ results in forgiveness, freedom from our sinful nature, and the gift of eternal life.


Basahin sa Bibliya

Romans 5:12-21

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Paano ka tumutugon kapag may nagkasala o nakasakit sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang pagkakapareho ni Adan at ni Kristo? Ano naman ang pagkakaiba nila?
  • Ano ang natutunan mo ukol sa kasalanan, kamatayan, at kaparusahan?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa pag-ibig at kagandahang loob ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Paano nakakaapekto sa iyong buhay ang pagmamana ng mga kasalanan ni Adan?
  • Paano naaapektuhan ng pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo ang iyong pamumuhay?
  • Bilang isang mananampalataya at tagasunod ni Hesus, tukuyin ang mga aspeto sa iyong buhay kung saan kailangan mong muling suriin kung paano ka binabago ni Kristo.

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Sa iyong pagninilay, anong mga ugali na dapat mong simulang baguhin?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay ng regalo na higit pa sa ating mga kasalanan, na ang ating kaligtasan ay hindi nakasalalay sa atin kundi sa ginawa ni Hesus sa krus.
  • Humingi ng kapatawaran sa Diyos para sa mga sitwasyon na tayo ay nagrerebelde at sumusuway sa kalooban ng Diyos.
  • Hilingin ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang manatili tayo sa Kanya at tuluyang talikuran ang mga tukso at kasalanan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.