Close

June 5, 2022

Enemies to Friends: Kapag Tayo ay Tinanggap na ng Diyos

Dahil tayo ay nagkasala, naging kaaway natin ang Diyos. Ngunit, sa pamamagitan ni Hesus tayo ay nanumbalik sa Panginoon. Ngayong linggo, pakinggan natin ang pagbabahagi ni Ptr. Michael Cariño tungkol sa mga nangyayari sa atin kapag maging kaibigan tayo ng Diyos.

Because of our sins, we were enemies with God, and there was nothing we could do to fix that. But through Jesus Christ, God made a way to justify us and reconcile us back to Him. This week, Ptr. Michael Cariño explains what happens when we turn from enemies to friends with God.


Basahin sa Bibliya

Romans 5:1-11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang pagkakataon nang ikaw ay nakaranas ng labis na kagalakan.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang ibig sabihin ng “mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus”?
  • Ano ang itinuturo ng talata tungkol sa kahirapang ating tinitiis?
  • Tungkol saan ang kagalakan na sinasabi ni Paul (Pablo)?
  • Paano tayo magiging katanggap-tanggap sa Diyos? Ano ang kahalagahan na tayo ay tanggap na ng Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sayo, paano magkakaroon ng galak sa gitna ng kahirapan?
  • Ano ang dahilan ng iyong pagkagalak sa Panginoon? (Ano ang humahadlang sa iyo upang magkaroon ng kagalakan sa Panginoon?)

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang maaari mong gawin upang mapagtibay ang iyong galakan sa Panginoon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa kagandahang loob ng Diyos na tayo ay Kanyang tinanggap sa pamamagitan ni Hesus.
  • Humingi ng kapatawaran sa mga panahong nalilimutan natin ang pagmamahal at kagandahang loob ng Diyos. Humingi ng kalakasan sa Diyos upang magkaron ng kagalakan sa puso sa gitna ng kahirapan.
  • Ipagdasal ang mga alinlangan sa puso at humiling ng kalakasan na manumbalik sa Diyos sa Kanyang tiyak na pag-ibig at pangakong kaligtasan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.