Huh! Walang Bayad? Hindi Nga?
Hindi natin kayang bayaran ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng mabuting gawa, relihiyon, o sariling kagalingan. Samahan natin si Ptr. Michael Cariño itong linggo kung saan ipapaalala niya na ang tanging paraaan na tayo ay mapapawalang-sala ay dahil sa pagtitiwala kay Kristo.
We cannot pay for our sins by our good works, by being religious, nor by our own goodness. Let us join Ptr. Mike Cariño this week as he teaches that the only way sinners are declared righteous is by faith in Christ alone.
Basahin sa Bibliya
Romans 4:1-25
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang aktibidad na sa tingin mo ay mapanganib gawin (hal. Skydiving, bungee jumping, atbp.). Ano ang magtutulak sayo upang subukan ang mga ito?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang sinasabi ng nito tungkol sa pagkamit ng ating kaligtasan? Ano ang ibig sabihin na tayo ay napawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus?
- Ano ang pangako ng Diyos kay Abraham? Paano Niya ito tinupad?
- Ano ang ginawa ng Diyos sa pangako? Ano naman ang parte ni Abraham sa pangako?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Ano ang pagkakaiba na ang kaligtasan ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan (o sa pagiging tuli ) kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus?
- Anong halimbawa ni Abraham ang gusto mong tularan?
- Paano maiiba ang iyong buhay kung mayroon kang pananampalataya na tulad ni Abraham?
- Ano ang magpapatibay sa iyong pagtitiwala sa Diyos? Ano ang pumipigil sa iyo na magtiwala sa Diyos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Sa anong aspeto ng iyong buhay ang kailangan mong ipagtibay ang pagtitiwala sa Diyos? Paano mo ito gagawin? Paano ka matutulungan ng ating grupo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa kagandahang-loob ng Diyos sa pagligtas sa atin sa pamamagitan ni Hesus at hindi natin kailangan ng mabuting gawa, ritwal, at iba pa upang maligtas. Magpasalamat dahil sigurado ang ating kinabukasan dahil kay Hesus.
- Humingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga panahong mas nagtitiwala tayo sa ating sariling kakayahan higit sa Diyos.
- Hilingin sa Espiritu Santo na bigyan tayo ng pananampalataya na magtiwala sa Diyos para sa ating kaligtasan at hindi umasa sa ating sarili.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.