Close

May 22, 2022

Gospel: Ang Pagpapawalang-sala ng Diyos sa Tao

Tayo ay napawalang-sala sa harap ng Diyos hindi dahil sa sa ating sariling kabaitan at mabuting gawain. Itong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na tayo ay napapawalang-sala sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo.

We cannot rely on our own goodness or abilities to achieve justification. This week, Ptr. Michael Cariño teaches how we are declared righteous only through faith in Christ, by His grace given freely, because of His sacrifice on the cross.


Basahin sa Bibliya

Romans 3:21-31

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Balikan ang sampung kautusan sa Exodus 20:1-17, at base dito i-rate ang iyong sarili bilang isang mabuting tao. 10 ang bilang na pinakamataas at 0 ang pinakamababa.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang sinasabi ni Pablo (Paul) tungkol sa pagiging matuwid?
  • Ano ang kahalagahan ng Kautusan? Paano nito sinasalamin ang ating pagiging makasalanan?
  • Ano ang ibig sabihin ng “tayo ay napapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus”?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ilarawan ang isang tao na naniniwalang siya ay maliligtas sa pamamagitan ng pagiging mabait at paggawa ng mabuti.
  • Sa anong mga pagkakataon na nakikita mo ang iyong sarili bilang isang matuwid o taong walang bahid ng kasalana? Paano mababago ang ganitong pananaw?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang maaaring mong gawin upang maisabuhay ang natutunan mo mula sa ating talakayan? Paano mo ito sisimulan?
  • Kanino mo maaaring ibahagi ang natutunan mo tungkol sa talata? Paano mo ito gagawin?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Panginoon sa Kanyang kagandahang loob sa regalong kaligtasan na nagmumula sa pananampalataya kay Hesus at hindi galing sa mabuting gawa.
  • Humingi ng kapatawaran sa Diyos para sa ating mapagmatuwid na puso.
  • Hilingin sa Espiritu Santo na ipakita ang ating mga kasalanan habang binabasa natin ang Kanyang salita at kalakasan na sundin ang Kanyang kalooban at isabuhay ang Kanyang pagmamahal.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.