Ang Simula ng Katapusan
Sa pagtatapos ng aklat na Daniel, ibinunyag ng Diyos na maraming masamang magaganap sa katapusan ng mundo, ngunit magatatagumpay ang paghahari ng kabutihan. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na mayroong Tagapagtanggol, may kaligtasan, at may misyon o layunin ang lahat ng nagtitiwala at nananatiling tapat sa Diyos.
As we conclude the Book of Daniel, God reveals that wickedness will increase towards the “end of days” but God’s Kingdom will ultimately prevail! This week, Ptr. Michael Cariño encourages us that there is protection, salvation, and purpose for those who believe and remain steadfast to God.
Basahin sa Bibliya
Daniel 10-12
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Mag-isip ng isang tao na ginagamit na instrumento ng Diyos sa iyong buhay. Sa anong paraan mo siya itinuturing bilang isang instrumento ng Diyos?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Sa buong libro ng Daniel, ano ang ilang paraan na ginamit ng Diyos si Daniel bilang Kanyang instrumento?
- Anong mga katangian ni Daniel ang nais mong gayahin?
- Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos?
- Ano ang ibig sabihin ng pagiging instrumento ng Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Paano ka tumutugon o ano ang iyong saloobin sa tuwing tinatawag ka ng Panginoon sa pagiging instrumento Niya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Sa anong paraan ka maaaring maging instrumento ng Panginoon sa iyong kasalukuyang sitwasyon (sa pamilya, sa opisina/eskwela, sa relasyon, atbp.)?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magbigay papuri sa Diyos dahil sa Kanyang kadakilaan noon, ngayon at sa hinaharap; at Siya ay ating mapagkakatiwalaan, dumaan man tayo sa kahirapan o pagdurusa.
- Humingi ng tawad sa Diyos para sa mga panahong ipinagliban natin ang pagtugon sa pagiging instrumento ng Diyos at sa pagdududa sa Kanyang kabutihan lalo na kapag tayo ay nahaharap sa mga problema o pagdurusa.
- Hilingin ang pagpupuspos ng Espiritu para tularan ang katapatan, kahusayan, katapangan, at kahandaan ng puso ni Daniel na maging instrumento ng Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.