Ang Prayer ni Daniel
Sa kabila ng kawalang katiyakan sa hinaharap, makakaasa tayo na tiyak na tutuparin ng Diyos ang kanyang mga pangako sa atin. Itong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na ipagpatuloy ang pagiging tapat at paglilingkod sa ating Diyos na Siyang ating pag-asa at katiyakan.
In the face of so much uncertainty, one thing we can be rest assured of is God’s faithfulness to fulfill His promises. Listen to Ptr. Joseph Ouano this week as he encourages us to continue serving and being faithful to God because our hope and certainty are in Him alone.
Basahin sa Bibliya
Daniel 9
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Anong mga pangako ng Diyos ang iyong pinanghahawakan?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Ano ang ipinagdasal ni Daniel? Ano ang matututunan natin mula dito?
- Paano sinagot ng Panginoon ang dasal ni Daniel?
- Ano ang natutunan mo tungkol sa Panginoon? Ano naman ang natutunan mo tungkol sa iyong sarili?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Para sayo, ano ang ibig sabihin na ang Panginoon ay tumutupad sa Kanyang pangako?
- Sa anong mga sitwasyon sa kinakaharap na nahihirapan kang panghawakan ang mga pangako ng Panginoon?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Anong maaari mong gawin habang inaantay mo ang pagtupad ng pangako ng Panginoon?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin at pasalamatan ang Panginoon dahil Siya ay nakikinig sa ating panalangin at tumutupad sa Kanyang pangako.
- Ikumpisal at humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa at sa pagsuway sa Diyos.
- Ipagdasal na magkaroon ng pagkakataon na ibahagi ang Magandang Balita sa mga hindi pa nakakakilala kay Kristo habang tayo ay nag-aantay sa pagbabalik ni Hesus.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.