Close

March 20, 2022

Ang Dakilang Kaharian na Magpakailanman

Ang Kaharian lamang ng Diyos ang mananatili magpakailanman. Samahan natin si Ptr. Allan Rillera itong linggo upang tingnan kung paano binuwag ng Diyos ang mga kahariang mapanira at hindi nakalulugod sa Panginoon.

Only the Kingdom of God will last forever. Join Ptr. Allan Rillera this week as he looks into how God subdues the evil kingdoms of this world and how He establishes His kingdom of peace and righteousness.


Basahin sa Bibliya

Daniel 7-8

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Ano ang iyong saloobin/pakiramdam tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa/mundo sa kasalukuyan? (Note to leaders: Pagtuonan ng pansin ang ibinahaging damdamin kaysa sa mga pananaw sa pulitika. Paalalahanan ang grupo na maaaring magkaroon ng magkakaibang pananaw sa pulitika at hindi natin kailangang magkasundo sa mga paninindigan.)

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ilarawan ang dalawang pangitain sa panaginip ni Daniel.
  • Ano ang kahalagahan ng mga pangitaing ito sa atin ngayon?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos at sa Kanyang kaharian?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sayo, ano ang kahalagahan na ang Diyos at ang kanyang kaharian ay mananatili magpakailanman, at ikaw ay Kanyang iniimbitahan na makasama magpakailanman? (Note to leaders: Kung may miyembrong hindi pa tinatanggap si Hesus sa kanyang buhay, ito ay oportunidad na ibahagi ang Magandang Balita—ang gulo, gera, paghihirap na pinagdaraanan natin ngayon ay may katapusan. Ang ating pag-asa ay nakay Hesus at sa Kanyang walang-hanggang kaharian.)

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Bilang ang kaharian ng Diyos ay magpakailanman, ano ang maaari mong baguhin sa iyong pamumuhay simula ngayon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos dahil Siya ang ating pag-asa at kalakasan sa gitna ng gulo sa mundo at mga hirap na ating pinagdaraanan sa araw-araw.
  • Ipagdasal ang mga tao at mga bansang dumaranas ng kaguluhan, na mahanap nila ang kanlungan at kapayapaan kay Kristo.
  • Ipagdasal na magkaroon ng oportunidad na maibahagi ang Magandang Balita lalo na sa mga taong nangangailangan ng pag-asa na matatagpuan lamang kay Kristo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.