Close

March 13, 2022

Kaligtasan Mula sa mga Leon

Walang dapat katakutan ang taong namumuhay nang tapat at tumitindig sa katotohanan. Ngayong linggo, tatalakayin ni Ptr. Joseph Ouano kung paano natunghayan ni Daniel ang pagkilos ng Diyos dahil siya ay nanatili sa pananampalataya sa Kanya.

The person who lives honestly and stands for the truth has nothing to fear. This week, Ptr. Joseph Ouano discusses how Daniel witnessed God’s deliverance because he remained faithful in Him.


Basahin sa Bibliya

Daniel 6:1-28

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang karanasan kung saan ikaw ay nakaramdam ng takot o kaba.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ilarawan ang pagtugon ni Daniel sa sitwaysong kanyang kinaharap.
  • Anong katangian ni Daniel ang nais mong tularan?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos at tungkol sa iyong sarili?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Naranasan mo na bang malagay sa isang sitwasyon na kung saan ay na-test ang faith mo? Ilarawan ang iyong karanasan.

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang magkaroon ng faith na tulad ni Daniel sa tuwing nahaharap ka sa mga pagsubok?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos dahil kasama natin Siya sa mga sitwasyong nate-test ang ating pananampalataya; at kay Hesus na dumaan sa “kulungan ng leon” ng kamatayan para isalba tayo.
  • Humingi ng kalakasan sa Diyos kapag nahihirapan tayo sa ating pananampalataya at ng kakayahan upang manindigan sa tama lalo na kapag nahaharap tayo sa oposisyon sa pagsunod natin kay Hesus.
  • Ipagdasal ang mga alalahanin ng bawat isa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.