Close

February 27, 2022

Ang Ikalawang Panaginip ni Nebucadnezar

Ipinakita ng Diyos ang kanyang kapangyarihan kay Nebucadnezar upang malaman ng sanlibutan na Siya ang tunay na may kapangyarihan sa lahat ng kaharian sa mundo. Ngayong linggo, samahan natin si Bro. Renz Raquion at tunghayan kung paano tinuturuan ng Diyos ang mayayabang at mapagmataas na magpakumbaba.

God demonstrated His power against King Nebuchadnezzar to reveal His true authority over all earthly kingdoms to all people. This week, join Bro. Renz Raquion and look into how God humbles the proud and the arrogant.


Basahin sa Bibliya

Daniel 4

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isa o dalawang bagay na maaari mong ipagpasalamat sa Diyos ngayon.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Tungkol saan ang panaginip ng hari?
  • Ilarawan ang naging saloobin at tugon ni Haring Nebucadnezar sa Diyos. Sa anong paraan ka nakaka-relate sa hari?
  • Ano ang natutunan mo sa naging reaksyon ni Daniel?
  • Ano ang natutunan mo sa Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Paano napapanahon sa iyo ngayon ang payo ni Daniel kay Haring Nebucadnezar?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Mula sa iyong natutunan tungkol sa Diyos at sa iyong sarili, paano nito mababago ang paraan ng paglapit mo sa Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya na binibigay Niya at sa Kanyang awa sa pagbibigay sa atin ng pagkakataon upang pagsisihan ang ating mga kasalanan.
  • Hilingin sa Diyos na siyasatin ang ating mga puso para makita natin ang ating mga kahinaan at kayabangan. Humingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga pagkakataong ginagawa natin ang ating sarili na mas mataas kaysa sa Kanya at sa pagnanais na kontrolin ang ating buhay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.