Close

February 6, 2022

Manindigan sa Tama Kahit Napalilibutan ng mga Mali

Hinihikayat tayo ng Diyos na manatiling tapat kahit na kagalitan tayo ng nakararami. Ngayong linggo, tatalakayin ni Ptr. Mike Cariño kung bakit kailangan natin ang tapang at lakas na binibigay ng Diyos upang manindigan sa tama kahit tayo’y napapalibutan ng kasamaan.

God urges us to remain faithful even if it means being scorned by the majority. Join Ptr. Mike Cariño this week and learn how to seek courage and strength from God to pursue righteousness despite being surrounded by evil.


Basahin sa Bibliya

Daniel 1

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng karanasan kung saan ay naharap ka sa isang sitwasyon na hindi mo gusto o kaya ay hindi kanais-nais.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ilarawan ang sitwasyon ni Daniel.
  • Ano ang ibig sabihin na malagay sa exile?
  • Ano ang mga katangian ni Daniel sa gitna ng mapait na sitwasyon?
  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Diyos mula sa talata na ito?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Tulad ni Daniel, tayo ay nasa exile din habang tayo ay nabubuhay sa mundo. Anu-ano ang mga hamon na kinahaharap mo habang ika’y nasa exile?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  •  Sa pagharap sa mga hamon, anong katangian ni Daniel ang maaari mong gayahin? Paano mo ito sisimulan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Kahit na tayo ay nasa exile, magpasalamat sa Diyos na mayroong pag-asa dahil kay Hesus. Magpasalamat dahil may plano ang Diyos at Siya ay dakila.
  • Humingi ng kapatawaran sa Diyos para sa mga oras na umaasa tayo sa ating sarili at kapag ang sinusunod natin ay ang mga diyos-diyosan sa ating puso.
  • Ipagdasal na magkaroon ng puso na tapat at may kabanalan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.