Maging Anak na Naaayon sa Puso ng Diyos
Ano ang mga tungkulin natin bilang mga anak sa pagbuo ng maganda at matibay na ugnayan sa loob ng pamilya? Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na galangin at sundin ang ating mga magulang alang-alang sa Panginoon.
What responsibilities do children have when it comes to building happy and strong relationships in the family? In this message, Ptr. Allan Rillera urges us to respect and obey our parents in the Lord.
Basahin sa Bibliya
Ephesians 6:1-3
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang karanasan kung saan nahirapan kang sundin ang iyong mga magulang.
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Mula sa iyong ibinahagi, bakit ito naging mahirap? Ano ang makakatulong na magpadali ng iyong pagsunod sa iyong mga magulang?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang Efe. 6:1-3 at Exo. 20:12. Ano ang ibig sabihin ng ‘sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon’?
- Ano ang ibig sabihin ng ‘igalang mo ang iyong ama at ina’?
- Ano ang tamang ugali sa pagsunod sa ating mga magulang? Magbigay ng ilang praktikal na paraan upang maigalang natin ang ating mga magulang? (Basahin ang Kawikaan 1:8-9, Kawikaan 20:20, Kawikaan 18:21, Kawikaan 10:1, Kawikaan 17:25)
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Anong mga hakbang ang maaari mong gawin patungo sa pagiging isang anak na naaayon sa puso ng Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating mga pamilya. (10-15 minutes)
- Upang ibigin ng mga anak ang Panginoong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip, at buong lakas.
- Upang ang mga anak ay lumaki sa pangangatawan, lumawak ang karunungan, at lalong maging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.
- Upang igalang ng mga anak ang kanilang mga magulang at sundin sila nang buong puso.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.