Close

September 12, 2021

Natatanging Ina

Ano ang matututunan natin kay Maria tungkol sa pagiging isang ina? Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na tignan ang pagiging isang ina bilang isang pagkakataon upang maglingkod sa Diyos, isang tawag upang magpahalaga, at isang hamon upang magtiwala.

What can we learn about motherhood from Mary? In this message, Ptr. Joseph Ouano encourages us to realize that motherhood is an opportunity to serve, a call to cherish, and a challenge to be faithful.


Basahin sa Bibliya

Luke 1:34-38 ; Luke 2:41-51; John 2:1-5

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Kaugnay ng ating mga natutunan noong nakaraang linggo:
    • Para sa mga ama: Anong mga tiyak na hakbang ang nagawa mo patungo sa pagiging isang ama na naka-molde ayon sa puso ng Diyos?
    • Paano mo naibahagi ang iyong mga natutuhan noong nakaraang linggo?

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ilarawan ang iyong pananampalataya sa Panginoon.

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang Luke 1:34-28 at John 2:1-5. Ano ang matututunan natin tungkol sa pananampalataya ni Maria?
  • Basahin ang Luke 2:19, 49-51. Ano ang pinahahalagahan ni Maria?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Sa iyong natutunan mula kay Maria, anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang mas lumalim ang iyong pananampalataya sa Panginoon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating mga pamilya. (10-15 minutes)
    • Para sa mga ama at ina na mamuhay nang may karakter na tulad ng kay Kristo upang maging huwaran sa kanilang mga anak.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.