Maging Ama na Naayon sa Puso ng Diyos
Bukod sa magsumikap na mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang pamilya, responsibilidad ng ama na pamunuan ang kanilang mga anak upang makilala ang Panginoon. Sa mensaheng ito, hinihikayat ni Ptr. Allan Rillera ang mga ama na maglaan ng sapat na oras para sa kanilang mga anak upang sila ay magabayan at maturuan tungkol sa salita at paraan ng Diyos.
Aside from striving to provide his family a good life and future, fathers are called to lead their children to know God. In this message, Ptr. Allan Rillera urges Fathers to spend enough time with their children to guide and lead them in God’s Word and in His ways.
Basahin sa Bibliya
Deuteronomy 6:4-9, Ephesians 6:4
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang alaala na mayroon ka tungkol sa iyong ama (maaaring kaaya-aya o hindi).
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Mula sa iyong ibinahagi, sa anong paraan nito naaapektuhan ang iyong kaugnayan sa Diyos Ama?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang Matthew 3:13-17 at Matthew 17:5. Ano ang matututunan natin tungkol sa Diyos mula sa mga talatang ito?
- Basahin ang Deuteronomy 6:4-9 at Ephesians 6:4. Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa pagiging isang ama na naaayon sa puso ng Diyos?
- Paano naapektuhan ng ating pagkakakilala sa Diyos bilang Ama ang ating pakikipag-ugnayan sa Kanya at sa ibang tao?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Para sa mga ama: Anong mga tiyak na hakbang ang maaari mong gawin patungo sa pagiging isang tatay na naayon sa puso ng Diyos?
- Mag-isip ng isang tao na maarai mong bahagian ng iyong mga natutunan.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating mga pamilya. (10-15 minutes)
- Para sa mga magulang na hindi ibuyo ang kanilang mga anak sa galit, at sa halip ay palakihin sila sa disiplina at tagubilin ng Panginoon.
- Para sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang mga salita at halimbawa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.