Ang Mabuting Misis
Ngayong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Joseph Ouano ang kaugnayan ng pagpapasakop ng isang misis sa kanyang mister sa kanyang pagtitiwala at pananampalataya kay Hesus.
This week, Ptr. Joseph Ouano explains how a wife’s submission to her husband reflects her faith and trust in the Lord Jesus Christ.
Basahin sa Bibliya
Ephesians 5:22-24, 33
Life Group Discussion Questions
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang karanasan kung saan ay nahirapan kang magpasakop sa autoridad?
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Mula sa naibahagi mo kanina, ano ang maaring makakatulong sa iyo upang maging mas madali ang magpasakop sa autoridad?
- Ano ang makakatulong sa iyo upang maging mas madali ang magpasakop kay Hesus?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang Ephesians 5:22-24 at Romans 12:1-2. Ano ang sinasabi sa atin ng mga talatang ito tungkol sa pagpapasakop?
- Mula sa talatang ito, ano ang matututunan natin tungkol sa sakripisyo ni Hesus? Paano tayo makatutugon sa Kanyang sakripisyo?
- Para sa mga misis: paano ka sinusubok/hinahamon ng Katotohanan sa talatang ito?
- Para sa mga hindi misis: paano mo matutulungan ang mga misis sa iyong grupo na gampanan ang kanilang tungkulin?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Mayroon bang isang bagay na nais ng Diyos na sundin mo? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang magpasakop at sumunod sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating mga pamilya. (10-15 minutes)
- Para sa mga mister na mahalin ang kanilang asawa nang may pagsasakripisyo tulad ng pag-ibig ni Hesus sa Simbahan.
- Para sa mga misis na maging mga katuwang na bigay ng Diyos na gumagalang at nagpapasakop sa kanilang mga asawa.
- Para sa mga mag-asawa na palalimin ang kanilang pagiging isa at maging tapat sa isa’t isa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.