Close

August 15, 2021

Pananampalataya sa Gitna ng Pagdurusa (7)

Kapag tayo’y nakakaranas ng pagdurusa, hindi ibigsabihin na hindi tayo mahal ng Diyos. Sa halip, ito’y maaaring isang paanyaya upang tayo ay lumapit sa Kanya. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na magpakumbaba, magpakatatag, at magtiwala sa gitna ng pagdurusa upang lumalim ang ating pang-unawa sa mga layunin, karunungan at pagpapala ng Diyos.

When we experience suffering, it does not mean that God does not love us. Instead, it is an invitation for us to come to Him. In this message, Ptr. Michael Cariño urges us to be humble, steadfast, and trusting in the midst of suffering to deepen our understanding of God’s purposes, wisdom, and blessings.


Basahin sa Bibliya

Job 42

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa kabuuan ng libro ng Job?

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Mula mga natutunan mo tungkol sa Diyos, ano ang kabuluhan ng mga ito para sa iyo?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang Job 42. Ano ang nagbago sa pananaw ni Job tungkol sa Diyos?
  • Sa anong mga paraan pinagpala ng Diyos si Job?
  • Sa anong paraan ka pinagpapala ng Diyos (materyal man o ispiritwal)?
  • Para sa iyo, ano ang kabuluhan na ikaw ay may pagpapalang buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ni Hesus?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Pag-isipan at ipanalangin ang isang tao na maaari mong bahagian ng mga natutunan mo mula sa buhay ni Job. Anong mga hakbang ang maaring mong gawin mo upang magawa ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Dumaraming mga kaso ng Delta variant sa bansa.
    • Kalakasan ng mga medical frontliners dahil sa tumataas na kaso at pagkapuno ng mga ospital.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.