Close

August 1, 2021

Pananampalataya sa Gitna ng Pagdurusa (5)

Kung ang Diyos ay mabuti, bakit nya hinahayaan ang kasamaan sa mundo? Kung ang Diyos ay makapangyarihan, bakit hindi nya pinipigilan ang pagdurusa ng tao? Ngayong Linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Michael Cariño na bagaman mahirap unawain ang misteryo ng pagdurusa, maaari tayong magtiwala sa Diyos at sa Kanyang kalooban.

If God is good, why does He allow evil to exist in the world? If God is powerful, why doesn’t He prevent human suffering? This week, Ptr. Michael Cariño explains that — while it is difficult to understand the mystery of suffering — we can always trust God and His purposes.


Basahin sa Bibliya

Job 32-37

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong karanasan at kung ano ang iyong natutunan mula sa isang mahirap na pangyayari o pagsubok sa nakaraan.

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa karanasang naibahagi mo?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ilarawan si Elihu. Paano naiiba ang pananaw ni Elihu sa tatlong kaibigan ni Job?
  • Sa anong paraan ka sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa pananaw ni Elihu?
  • Ano ang matututunan natin tungkol sa pagdurusa mula pananaw ni Elihu?
  • Ano ang matututunan natin tungkol sa Diyos mula sa pananaw ni Elihu?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang maaari mong gawin upang magkaroon ng tamang pananaw sa Diyos kapag ikaw ay nakararanas ng paghihirap?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Karunungan para sa mga pinuno ng gobyerno at mga lokal na opisyal na nagpaplano para sa muling pagpapatupad ng ECQ sa NCR.
    • Lakas, katatagan, at probisyon para sa mga frontliner, manggagawa, at negosyanteng apektado ng ECQ.
    • Probisyon at kaligtasan ng mga evacuees sa mga lungsod at lalawigan na apektado ng pag-ulan (pagguho ng lupa at mga insidente ng pagbaha).

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.