Pananampalataya sa Gitna ng Pagdurusa (3)
Napakadaling humantong sa konklusyon kung ano ang intensyon ng Diyos sa pagdurusa. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na dapat tayong maghinay-hinay sa panghuhusga at maging maingat sa pagbibigay ng payo. Sa gitna ng ating mga pighati, higit na marunong ang Diyos at siya’y karapat-dapat pagtiwalaan.
It’s too easy to jump to conclusions about God’s intentions when it comes to suffering. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us to be slow to judge and careful about giving advice. Even in the midst of our suffering, God is wiser and worthy of our trust.
Basahin sa Bibliya
Job 4-5, 8, 11
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Sa paanong paraan mo naranasan ang kabutihan ng Diyos nitong nakaraang linggo?
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Magbahagi ng karanasan nang ikaw ay kumapit sa Diyos sa gitna ng pagdurusa. Ano ang naramdaman mo habang pinagdaraanan ito?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga payo nina Eliphaz, Bildad, at Zohar kay Job? Sa paanong paraan sumablay ang kanilang mga payo?
- Ano ang natutuhan mo tungkol sa Diyos?
- Paano tayo dapat tumugon kapat tayo’y dumaranas ng pagdurusa?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ano ang mga hakbang na maaari mong gawin upang lumalim pa ang iyong pananampalataya sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Naitala sa Pilipinas ang mga bagong kaso ng Delta variant; 1 ang namatay. Ang ilan sa mga ito ay lokal na nahawa.
- Para sa kalakasan at proteksiyon ng mga medical frontliners upang sugpuin ang COVID-19 at maayos na sistema sa gitna ng tumataas na mga kaso.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.