Pananampalataya sa Gitna ng Pagdurusa (1)
Kaya ba nating magtiwala sa Diyos sa harap ng matinding pagdurusa? Sa pamamagitan ng kwento ni Job, tayo ay hinihikayat ni Ptr. Michael Cariño na lumuhod at magtiwala sa Panginoon sa gitna ng anumang pighati at paghihirap dahil ang Kanyang mga panuntunan at pamamaraan ay higit sa kaisipan at pang-unawa ng tao.
Can we trust God in the midst of intense suffering? Through the story of Job, Ptr. Michael Cariño encourages us to kneel in surrender to God in the face of all sorrow and suffering, for His plans and ways are beyond human thought and comprehension.
Basahin sa Bibliya
Job 1-2
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ano ang iyong mga saloobin tungkol sa pagdurusa?
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Magbahagi ng isang punto sa iyong buhay kung saan nakaranas ka ng pagdurusa? Ano ang naramdaman mo noon?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Ilarawan si Job. (Ano ang nangyari kay Job? Paano niya hinarap ang mga nangyari sa kanya?)
- Ilarawan si Satanas. (Ano ang mga akusasyon ni Satanas?)
- Ilarawan ang Diyos. (Ano ang ginawa ng Diyos? Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos?)
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Sa natutuhan mo tungkol sa Diyos at sa pagdurusa, ano ang maaari mong pagbutihin / baguhin sa iyong pag-uugali sa pagharap sa pagdurusa? Ano ang mga maaari mong gawin patungo sa pagbabagong ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Ang pagtugon ng gobyerno sa mga kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
- Maayos na pagdating ng mga bakunang binili ng pribadong sektor.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.