Kung Bakit Hindi Dinidinig ng Diyos ang Ating Panalangin?
Bakit parang hindi naririnig ng Diyos ang ating mga panalangin? Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na mamuhay ng banal at sumunod sa kalooban ng Diyos na nakitingin sa buhay ng taong nasa likod ng bawat panalangin.
Why does God seem to not hear our prayers? In this message, Ptr. Allan Rillera urges us to pursue holy lives in obedience to the God who sees the person behind every prayer.
Basahin sa Bibliya
Zechariah 7:6, 8-14
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Kumusta ang iyong ‘attitude’ o pag-uugali patungkol sa pagsamba nitong nakaraang linggo? Masasabi mo bang tama ang iyong motibo sa pagsamba sa Panginoon?
- Ano ang iyong naalala o natutunan mula sa mensahe?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang mensahe na ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Zechariah?
- Ano ang kaugnayan ng talatang ito sa naunang mga berso (Zech. 7:1-7)?
- Ano ang saloobin ng mga ninuno ng mga Israelita sa pagsamba sa Diyos? Ano ang hangarin ng Diyos para sa atin?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Ano ang pananaw ng Diyos tungo sa doble-kara o mapagkunwaring uri ng pamumuhay? Paano natin matatalikuran ang ganitong uri ng pamumuhay?
- Pagnilay-nilayan ang v.12. Sa anong mga paraan nagiging matigas ang ating puso?
- Ano ang ilang karaniwang hamon o hadlang sa pakikinig at pagsunod sa salita ng Diyos?
- Basahin ang v.13. Ano ang kahulugan para sa iyo ng talatang ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ano ang maaari mong gawin sa darating na linggo tungo sa pagsunod sa salita ng Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Dumaraming kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
- Mabilis na pagroll-out ng bakuna laban sa COVID-19; at na walang katiwalian at pamumulitika ang maganap sa gitna ng proseso.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.