Close

February 28, 2021

Ang Hari na Hinirang ng Diyos

Tayong mga mananampalataya ang buhay na templo ng Diyos at si Kristo ang hinirang na Hari na magtataguyod at mamumuno sa Kanyang templo. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na huwag mawalan ng pag-asa sa harap ng mga pagsubok at paghihirap at patuloy na magtiwala kay Kristo na ating Hari.

We believers are the living temple of God and Christ is our appointed King who will uphold and lead His temple. In this message, Ptr. Allan Rillera urges us not to lose hope amidst trials and hardships and to continue to trust in Christ our King.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 6:9-15

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Gamit ang isang salita, ilarawan kung ano ang iyong nararamdaman ngayon o nitong mga nakaraang araw. (hal. nasasabik, pinanghihinaan ng loob, galit, may pag-asa, atbp.).

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang kabuluhan ng utos ng Diyos kay Zechariah na ‘kumuha ng pilak at ginto at gumawa ng isang korona upang ilagay ito sa ulo ni Joshua na pinakapunong pari’?
  • Basahin ang vv.12-13. Ilarawan ang lalaki na ang pangalan ay ‘Sanga’. Sino ang lalaking ito?
  • Ang pagiging hari at pinakapunong pari ay itinatalaga sa dalawang magkaibang tao. Paano natupad ni Jesus na parehas maging Hari at Pinakapunong Pari?
  • Ano ang ibig sabihin ng v.15: “Ito’y mangyayari kung inyong masikap na susundin ang tinig ng Panginoon ninyong Diyos”?
  • Anong klase ng Templo ang itatayo ni Hesus?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang iyong tugon sa katotohanang si Hesus ang ating Hari at Pinakapunong Pari magpakailanman?
  • Paano mapapabuti ng katotohanan ng talatang ito ang iyong pagsunod sa Diyos?
  • Tayo ay ang buhay na Templo ng Diyos. Ano ang iyong tugon dito?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang maaari mong gawin ngayog linggo bilang pagsunod sa Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Kaagapan at kawalan ng korapsyon sa pagkuha at paglunsad ng mga bakuna laban sa COVID-19.
    • Ang tungkol sa naganap na insidente ng pamamaril at “misencounter” sa pagitan ng PNP at PDEA kung saan 4 na tao ang namatay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.