Close

February 14, 2021

Paano Winakasan Ang Kasalanan

Mula pa noong sinaunang panahon, ang sangkatauhan ay nahulog sa pagkaalipin sa kasalanan at nahiwalay sa pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Sa mensaheng ito, tatalakayin ni Ptr. Allan Rillera kung paano winakasan ng Diyos ang kapangyarihan ng kasalanan upang bigyan tayo ng paraang manumbalik sa Kanya.

Since ancient times, mankind has been in bondage to sin and has fallen out of a relationship with the Lord. In this message, Ptr. Allan Rillera tells us how God broke the power of sin and provided a way to restore our relationship with Him.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 5:5-11

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Ano ang naaalala mo mula sa mensahe?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang pangitaing nakita ni Zechariah? Ano ang iyong pagkakaintindi sa pangitaing ito?
  • Anu-anong mga simbolo ang nasa pangitain? Ano ang ibig sabihin ng mga simbolong ito?
  • Ano ang plano ng Diyos para sa kasalanan at kasamaan?
  • Sa iyong palagay, paano tinutugunan ng Diyos ang kasalanan at ang mga nagkakasala?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang isiniwalat ng talatang ito tungkol sa puso ng Diyos?
  • Paano mo maiuugnay ang talatang na ito sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo?
  • Tayo ay mahal ng Diyos at kanyang iniligtas upang makasama magpakailanman. Paano naaapektuhan ng katotohanang ito ang iyong pananaw tungkol sa kasalanan at sa mga pagsubok na iyong pinagdadaanan?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang puso sa pamamagitan ng pagkamuhi sa kasalanan pero pagmamahal parin para sa nagkasala. Sa paanong paraan mo mai-sa sang-ayon ang iyong puso sa Diyos ngayong linggo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Pagdami ng kaso ng pagbubuntis sa mga kabataan (15yrs old at pababa).
    • Proteksiyon at kaligtasan ng mga OFW sa Myanmar.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.