Close

February 7, 2021

Spiritual Renewal: Pagharap sa Kasalanan

Sapagkat ang Diyos ay makatarungan at banal, ang bawat kasalanan ay mapaparusahan. Sa mensaheng ito, pinapaliwanag ni Ptr. Joseph Ouano na dahil mahal tayo ng Panignoon, sinugo Niya si Kristo bilang pangwakas na hatol sa kasalanan upang tayo ay mailigtas mula sa sumpa nito.

Because God is just and righteous, sin will never go unpunished. This week, Ptr. Joseph Ouano explains that, because God loves us, He sent Jesus to pay the penalty for our sin so that we might be saved.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 5:1-4

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Ibahagi ang iyong karanasan kung saan may nalabag kang alituntunin (maaaring sa inyong bahay, eskwelahan, o sa pinagtatrabahuhan).

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang pangitain na nakita ni Zechariah? Ano ang kahulugan ng pangitaing ito?
  • Anong mga kasalanan ang itinukoy sa passage na ito? Sa iyong palagay, bakit dalawang kasalanan lamang ang nabanggit?
  • Paano tutugunan ng Diyos ang kasalanan? Ano ang iyong saloobin tungkol dito?
  • Ano ang ipinakita nito sa iyo tungkol sa puso ng Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Basahin ang v.3. Ano ang ipinahihiwatig ng “Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain”? Ano ang kahulugan nito para sa iyo?
  • Basahin ang v.4. Ano ang sinasabi ng talatang ito na mangyayari kung hindi natin tatalikuran ang ating mga kasalanan?
  • Ano mga kasalanan ang madalas nating ituring na “mababaw o maliit”? Ano ang sinasabi ng talatang tungkol sa mga kasalanan na ito?
  • Paano natin maiuugnay ang paghuhukom ng Diyos sa pagkamatay ni Kristo sa krus at pagdaig Niya sa kamatayan?
  • Ano ang iyong tugon sa pagkamatay ni Kristo sa krus at pagdaig Niya sa kamatayan?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ang bawat kasalanan ay nakikita ng Diyos. Ano ang maaari mong gawin sa darating na linggo upang talikuran ang mga kasalanang madalas mong ituring na “mabababaw o maliliit” lamang?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Ang pagdami ng mga nawalan ng trabaho at nagugutom, at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin
    • Ang mga naapektuhan ng Navotas ammonia leak (mga na-ospital at mga nawalan ng mahal sa buhay)

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.