Close

January 31, 2021

Ang Walang Humpay na Liwanag ng Diyos

Paano nga ba magkakaliwanag sa mundong ito na puno ng kadiliman, pighati, at kasamaan? Sa mensaheng ito, tayo ay hinihikayat ni Ptr. Allan Rillera na gawin ang ating bahagi sa pagtataguyod ng templo ng Diyos at pagiging ilaw sa mundo sa pamamagitan ng kapangyarihan na nagmumula kay Hesus at sa Banal na Espiritu.

How can there be light in a world that is full of darkness, sorrow, and evil? In this message, Ptr. Allan Rillera urges us to do our part in rebuilding God’s temple and being a light to the world by leaning on the power of Jesus Christ and the Holy Spirit.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 4:1-14

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang passage. Ilarawan ang ika-limang pangitain ni Zechariah. Ano ang naintindihan mo tungkol sa pangitain na ito?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng passage na ito?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Basahin ang v.6. Ano ang kahulugan ng talatang ito para sa iyo? Paano ka hinahamon ng talatang ito?
  • Basahin ang v.7. Ano ang nilalawaran na “kasinlaki ng bundok” sa talatang ito? Sa iyong buhay, anong bagay o sitwasyon na “kasinlaki ng bundok” at tila imposibleng mapagtagumpayan ang iyong kinakaharap (e.g. kasalanan, sitwasyon, emosyonal na sugat, kahinaan, atbp.)? Sa anong paraan nagbibigay ng kapanatagan sa iyo ang talatang ito?
  • Ano ang mga bagay na nakagawian mong pagkunan ng lakas? Magbahagi ng isang karanasan. Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa ating sariling kakayahan kumpara sa kakayahan ng Diyos?
  • Anong pangako mula sa Diyos ang maaari mong panghawakan mula sa passage na ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong mga praktikal na paraan ang maaari mong gawin upang dumepende sa Diyos sa darating na linggo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Posibilidad na magkaroon ng mas mahigpit na quarantine sa mga lalawigan kung saan tumataas ang kaso ng COVID-19.
    • Makilala ng mga opisyal ng gobyerno ang Panginoon at maranasan ang espiritwal na kaligtasan at proteksyon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.