Ang Kaligtasang Mula sa Panginoon
Si Hesus ang punong pari na nag-uugnay sa atin sa Diyos Ama. Siya lamang ang may kakayahang magligtas, magpatawad ng kasalanan, at magpanumbalik ng ating relasyon sa Diyos. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na lumapit kay Hesus at sundin Siya!
Jesus is the high priest who intercedes on our behalf before God the Father. This week, Ptr. Joseph Ouano urges us to seek and obey Jesus. Only He can forgive our sins, restore our relationship with the Lord, and grant us salvation.
Basahin sa Bibliya
Zechariah 3:1-10
Gabay sa pagmuni-muni
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage the mind
- Anong bahagi ng mensahe ang nagkaroon ng pinakamalaking epekto sa iyo?
- Sino-sino ang nagharap-harap sa korte? Ano ang paratang? Bakit inaakusahan si Joshua? Ano ang hatol at sentensiya?
- Ano ang kahalagahan na pinalitan ng magarang damit ang suot ni Joshua na madumi at gula-gulanit?
- Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng talatang ito?
3. Engage the heart
- Mapapansin natin na nanatiling tahimik si Joshua. Sa palagay mo, bakit siya nanatiling tahimik? Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, paano ka tutugon?
- Ano ang itinuturo sa atin ng talatang ito tungkol sa kung paano tinitrato ng Diyos ang ating mga kasalanan?
- Ano ang kahulugan para sa iyo na nilinis ka ng Diyos mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesus?
- May pagkakataon ba sa iyong buhay na nabalewala mo ang Kaniyang biyaya o grasya? Mangyaring ibahagi ito.
4. Engage the hands
- Ano ang nais mong gawin bilang tugon sa biyaya at kapatawaran ng Diyos?
- Sa darating na linggo, paano mo lalabanan ang isang partikular na kasalanan o tukso na kailangan mong mapagtagumpayan? Mayroon ka bang kailangang gawin o kailangang iwasan upang hindi ito humantong sa kasalanan?
- Maglaan ng ilang sandali kasama ang Diyos upang hingin ang Kanyang kapatawaran at kapangyarihan upang matulungan kang labanan ang tukso at kasalanan.
5. Maglaan ng oras para sa pagdadasal
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng pamilya.
- Ipagdasal ang ating bansa.
- Maayos na ugnayan ng Pilipinas at US sa ilalim ng bagong pamamahala
- Tumataas na mga kaso ng COVID-19 (umabot sa higit na 500,000 na kaso)
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.