Close

January 10, 2021

Tungo sa Muling Pagbanon

Anumang kahirapan at kawalan sa buhay ang ating haharapin, makakaasa tayo sa Diyos na makapagbabangon sa atin. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na magbalik-loob sa Panginoon. Kapag tayo ay lumapit sa Kanya, mararamdaman natin ang Kanyang pagmamalasakit, tutulungan Niya tayong makabangon mula sa pagkawasak, at muli Niyang ipamamalas sa atin ang Kanyang pagpapaunlad.

No matter what difficulties and losses we may encounter, we can find hope in the God who restores. In this message, Ptr. Joseph Ouano invites us to turn back to God. When we draw near to Him, He will take care of us, help us rebuild from ruins, and give us a taste of prosperity once again.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 1:7-21

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Anong punto sa mensaheng ito ang may pinakamalaking epekto para sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang mga pangitain na inihayag kay Zechariah? Ano ang ibig sabihin ng mga ito?
  • Ano-ano ang mga pangako ng Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Basahin ang passage. Pagmasdan at kilalanin ang mga katangian ng Diyos na isiniwalat dito.
  • Sa paanong paraan mo naranasan ang alinman sa mga katangiang ito ng Diyos? Sa anong paraan ka nagsusumikap na maunawaan ang alinman sa mga katangiang ito ng Diyos?
  • Naranasan mo na bang mawasak at mabigo? Mangyaring ibahagi ito.
  • Sa anong paraan ka binibigyan ng pag-asa at hinihikayat ng Salita ng Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Sa darating na linggo, sa paanong paraan ka tutugon sa mga natutunan mo tungkol sa Diyos sa mensaheng ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Kalusugan at proteksyon ng mga frontliner at kanilang mga pamilya
    • Karunungan at integridad ng mga pinuno ng gobyerno habang ipinaplano at isinasagawa ang mga desisyon para sa bansa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.