John the Baptist: Kapag Nayayanig ang Iyong Pananalig
Bilang mga Kristiyano, may mga pagkakataong nayayanig ng mga katanungan, kabiguan, at kahirapan ang ating pananampalataya—tulad ng naranasan ni John (the Baptist). Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na dalhin sa Panginoon ang ating mga hinaing, tanong, at tampo sapagkat Siya ay mapagkakatiwalaan at may kapangyarihang pag-ibayuhin ang ating pananalig.
As people of faith, we may wrestle with doubts, disappointments, and difficulties—just as John the Baptist did. This week, Ptr. Michael Cariño urges us to bring to God our pain, questions, and hurts for He is worthy of our trust and has the power to transform us into Real-Life Overcomers.
Basahin sa Bibliya
Luke 3:21-22; Luke 7:17-28
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
- Kung ikaw ay may isang katanungan para sa Diyos, ano ito?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang Luke 7:17-20. Ano ang pag-aalinlangan ni John? Anu-ano ang mga tanong niya kay Jesus?
- Basahin ang Luke 7:22-23. Paano sinagot ni Jesus ang mga tanong ni John? Anong mga magagandang bahay ang ipinakita ni Jesus kay John? Bakit kailangang sabihin ni Jesus ang mga ito?
- Bakit hindi binanggit ni Jesus na Siya ay dumating para palayain ang mga bilanggo?
- Basahin ang Luke 7:26-28. Ano ang ginawa ni Jesus sa mga pag-aalinlangan ni John? Paano Niya binigyan ng kapanatagan ng loob si John?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Ano-anong mga magagandang bagay ang ginagawa ng Diyos sa iyong buhay?
- Sa mga oras ng pag-aalinlangan, paano mo napapanatag ang iyong loob?
- Gaano ka kamahal ng Diyos? Sa tingin mo, nagbabago ba ang pagmamahal ng Diyos depende sa kung ano ang ginagawa mo?
- May pag-aalinlangan ka ba sa pagmamahal ng Diyos para sa iyo? Paano mo ito mapagtatagumpayan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Paano mo pinanghahawakan ang salita ng Diyos na Siya ay may magandang plano para sa buhay mo lalo na kapag ikaw ay may pinagdaraanang mapait na sitwasyon?
- Paano ka magiging totoo sa Diyos? Anong mga alinlangan at mga kabiguan sa iyong puso ang nais mong sabihin sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- – Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- – Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Ang pag-recover ng mga maliliit na negosyo sa Pilipinas na pansamantalanag nagsara dahil sa COVID-19.
- Proteksyon para sa mga health workers at kanilang mga pamilya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.