Close

September 13, 2020

Isaiah: Buhay na Binago nang Makita ang Diyos

Isang matinding karanasan ang tuluyang bumago sa buhay ni propeta Isaiah. Sa isang vision, nakita niya ang Diyos – nakaupo sa trono sa buong kaluwalhatian ng Kanyang kabanalan. Ngayong linggo, inaanyayahan tayo ni Ptr. Joseph Ouano na pag-isipan kung ang ating sariling mga tagpo sa banal na Panginoon ay nakapagdulot ng matitinding pagbabago sa ating mga buhay.

The prophet Isaiah was forever changed when he experienced a vision of the Lord seated on His throne in the full glory of His holiness. This week, Ptr. Joseph Ouano asks us to ponder whether our own encounters with the most holy Lord have led us to fundamental life changes.


Basahin sa Bibliya

Isaiah 6

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Nagkaroon ka na ba ng isang karanasan kung saan nabago ang iyong buhay? Mangyaring ibahagi ito.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Paano nakita ni Isaiah na siya ay makasalanan? Ano ang kasalanan na ikinumpisal ni Isaiah? Paano siya nilinis ng Panginoon?
  • Bakit mahalagang ikumpisal ang ating mga kasalanan sa Panginoon?
  • Ano ang ipinagawa ng Panginoon kay Isaiah? Ano ang mensahe ng Panginoon para sa Israel?
  • Bakit isinugo ni Isaiah ang kaniyang sarili upang magpahayag ng mensahe?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa iyo, masasabi mo bang kasama mo ang presensiya ng Diyos? Magbahagi ng iyong sariling karanasan.
  • Paano mo mas nakikita ang iyong mga kasalanan kung ito ay iyong ikukumpara sa kabanalan ng Diyos?
  • Ipagmuni-muni: May mga kasalanan ka bang hindi mo pa ikinukumpisal sa Panginoon?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Pagkatapos magmuni-muni, kung ikaw ay may nakitang kasalanan, magtuon ng ilang sandali upang ito ay ikumpisal sa Diyos.
  • Paano mo ibabahagi ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Kaligtasan at proteksiyon para sa mga frontliner at mga manggagawa na kailangan pumasok sa trabaho.
    • Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay kasalukuyang nag-uusap at sinisiyasat ang Badyet ng Pilipinas para sa taong 2021; Ipagdasal ang pagsupo ng katiwalian at pagtaguyod ng tamang paggamit sa pondo ng bayan.
    • Na ang ating mga pinuno sa pamahalaan ay mamuno ng may integridad, pag-ibig sa bayan, hustisya, at katuwiran.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.