Close

August 30, 2020

Elisha: Dahil Kakampi Mo ang Diyos

Sa mundong ito na napapalibutan ng kapahamakan, pagdurusa, at kahirapan, pananampalataya ang magpapakita sa atin ng matitinding katotohanang hindi napapansin ng ating mga mata. Sa pagkwento ng mga karanasan ni Elisha, ipinapaalala sa atin ni Ptr. Michael Cariño na ang Diyos na ating kakampi ay higit na mas malakas sa anumang sindak, takot, galit, o kalaban na pumapalibot sa atin.

In a world where disasters, suffering, pain, and problems surround us, faith enables us to see a more powerful reality that is invisible to the naked eye. By recounting the story of Elisha, Ptr. Michael Cariño reminds us that the God who is on our side is stronger than any panic, fear, hate, or enemy that surrounds us.


Basahin sa Bibliya

2 Kings 6:8-23

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Ano ang ginagawa mo kapag may tao kang kinaiinisan?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang 2 Kings 6:15-16. Bakit nasindak ang katulong ni Elisha? Paano siya pinaalalahanan ni Elisha?
  • Basahin ang 2 Kings 6:17. Paano ipinagtanggol ng Diyos ang mga taga-Israel? Ano ang mga nakita nila at ano naman ang mga hindi nila makita?
  • Paano tayo magkakaroon ng kapanatagan at kapayapaan sa tuwing tayo ay may kinakaharap na pagsubok?
  • Basahin ang 2 Kings 6:20-23. Nang mabulag ang mga taga-Siria, ano ang kinaharap nila sa Samaria ? Ano ang payo na binigay ni Elisha sa hari ng Israel?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • May mga pag-aalangan ka ba na kasama at kapiling mo ang Diyos ngayon? Magbahagi iyong karanasan na kung saan ikaw ay nagduda na kasama mo ang Panginoon.
  • Sa mga pinagdadaanan mo ngayon, paano ka pinagtatanggol o pinag-iingatan ng Diyos?
  • Para sa ’yo, madali ba ang magbigay ng awa sa mga taong kinaiinisan mo? Ano ang madalas na reaksyon mo kapag ikaw ay naiinis?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Paano mo mapagtatagumpayan ang mga pag-aalinlangan at pagdududa na kasama at kapiling mo ang Diyos?
  • Sa tuwing ikaw ay nahaharap sa mga tao o sitwasyon na kinaiinisan mo, paano mo ito tutugunan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Malusog at malakas na pangangatawan at proteksyon para sa mga pinuno ng gobyerno
    • Kapayapaan at kaayusan matapos ang mga nagdaang pagbobomba sa Jolo.
    • Pagod na nararanasan mula sa pagiging online o paggamit ng mga gadgets para sa trabaho o eskuwela
    • Kalusugan ng kaisipan o mental health ng bawat isa sa gitna ng pandemyang ito.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.