Close

July 26, 2020

Caleb: Paano Labanan ang Mga Hadlang sa Buhay

Makikita natin sa buhay ni Caleb ang kahalagahan ng tapat na pagsunod, tapat na paglilingkod, at tapat na pagtitiwala sa Diyos sa bawat pagsubok na kakaharapin natin sa buhay. Sa mensaheng ito ni Ptr. Michael Cariño, tayo ay iniimbitahan na kumapit sa Diyos na Siyang tunay na matapat. Siya ang magbibigay sa atin ng lakas, gabay, at tulong upang mapagtagumpayan ang anumang hadlang sa buhay.

Through Caleb, we learn the importance of being faithful in obeying, serving, and trusting the Lord through every challenge we face. In this message, Ptr. Michael Cariño invites us to put our trust in our faithful God. He is our strength, our guide, and our help in overcoming any obstacle in life.


Basahin sa Bibliya

Joshua 14:6-15

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage one another (15-30 mins)

Magbahagi ng inyong natutunan mula sa personal devotion.

Kamusta ang iyong nakaraang linggo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang nagtulak kay Caleb na magpursigi nang hanggang 45 na taon? Ano ang pangarap niya?
  • Ano ang mga pagsubok na kailangang mapagtagumpayan ni Caleb? Paano niya nalampasan ang mga ito?
  • Ano ang ginawa ni Caleb nang mapagdesisyunan ng mga Israelita na hindi na nila sasakupin ang Canaan?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa kwento ng buhay ni Caleb? Paano ipinakita ng Panginoon ang Kaniyang buong puso sa pamamagitan ni Hesus?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Tulad ng sampung espiya na nakita ang mga kalaban, magbahagi ng iyong karanasan na kung saan nakaramdam ka ng takot para sa hinaharap.
  • Magbahagi naman ng iyong karanasan, na tulad ni Caleb, pinili mong magtiwala at sundin ang Diyos.
  • Sa kwento ni Caleb, kahit na siya ay naging masigasig at matatag, nanaig ang boto ng sampung espiya na huwag pumasok sa ipinangakong lupain. Dahil dito, kinailangan niyang maghintay ng 45 na taon. Nakaranas ka na ba ng sitwasyong katulad nito na naramdaman mong hindi patas ang naging resulta? Ibahagi ito.
  • Nahihirapan ka bang sundin ang Diyos nang buong puso? Ano ang pumipigil o nagdudulot ng pag-aalinlangan sayo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Sa paanong paraan mo masusunod nang buong puso ang Panginoon?
  • Ano ang tinuturo sayo ng Diyos sa pamamagitan ng mensaheng ito? Paano ka tutugon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
    • Na maibsan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nahahawaan sa pagkalat ng virus.
    • Ipanalangin ang mga pamilyang maaapektuhan ng bagong sistema sa edukasyon.
    • Na magkaroon ng balanse sa trabaho at pahinga ang bawat manggagawa, maging ang ang mga taong nagtatrabaho sa kanilang mga bahay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Mga Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.