Close

July 19, 2020

Moses: Paano Manaig sa Mga Hamon ng Buhay?

Sa tuwing tayo ay nakararanas ng mga pagsubok sa buhay, minsan ang mas mainam na tanong ay hindi “Panginoon, bakit ganito ang nangyayari sa akin?” kundi “Panginoon, ano po ang nais mong ituro sa akin?” Sa mensaheng ito ni Ptr. Michael Cariño, matututunan natin mula sa buhay ni Moses na mananaig tayo sa mga hamon ng buhay kung magtitiwala tayo na ang ating nakalipas, layunin, landasin ay nasa kamay ng Panginoon na nagmamahal sa atin.

When we go through hardships, sometimes the better question is not “Lord, why is this happening to me” but rather “Lord, what are you trying to teach me?” In this message by Ptr. Michael Cariño, we learn from the life of Moses that we can overcome obstacles in life when we trust that our past, our purpose, and our path are being directed by God’s loving hand.


Basahin sa Bibliya

Exodus 2:1-24; 3:1-10; 5:1-2; 33:11

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng inyong natutunan mula sa personal devotion.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ilarawan ang relasyon ni Moses sa Panginoon.
  • Anong mga pagsubok ang pinagdaanan ni Moses? Paano niya napagtagumpayan ang mga ito?
  • Ano sng misyon na binigay ng Diyos kay Moses? Paano siya hinanda ng Diyos at anu-anong bagay ang tinalikuran niya? Bakit niya tinalikuran ang mga ito?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Paano ginamit ng Diyos ang iyong nakalipas bilang paghubog o paghanda sayo para sa kasalukuyan? Naniniwala ka ba na hinahanda ka ng Diyos ngayon para sa hinaharap?
  • Naniniwala ka ba na kasama mo ang Diyos? Nahihirapan ka bang paniwalaan ang Katotohanang ito? Mangyaring ibahagi.
  • Mayroon bang panahon na inilagay mo ang iyong tiwala sa iyong sarili sa halip na sa Diyos? Mangyaring ibahagi.
  • Basahin ang Exodo 33:15. Ano ang kahulugan ng talatang ito para sa iyo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Mayroon ka bang kasalanan na nais mong mapagtagumpayan ngayon? Paano mo ito gagawin?
  • Paano mo matutupad ang misyon ng Diyos sa iyong buhay?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
    • Proteksyon para sa mga doktor, nurse, at health worker.
    • Lakas, karunungan, at lakas ng loob habang sinasakripisyo nila ang kanilang buhay at kaligtasan upang mapaglingkuran ang may sakit at nangangailangan.
    • Proteksyon para sa mga nagtatrabaho sa mga pangunahing industriya – supply ng pagkain, kuryente at tubig, komunikasyon, botika, atbp.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Mga Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.