Close

July 5, 2020

Abraham: Ang Huwarang Ama

Si Abraham ay kilala natin ngayon bilang ama ng maraming bansa at ng mga mananampalataya. Ang kanyang buhay ay testimonya ng katapatan ng Panginoon kung susundin natin ang Kanyang mga nais sa kabila ng mga hamon at pagsubok. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na pagtibayin ang ating pananampalataya at pagsunod sa Diyos dahil Siya ay tunay na mabuti at mapagkakatiwalaan.

Abraham is known as the Father of Faith and of the Nations. His life is a testimony of God’s faithfulness if we continue to seek and obey His will even as we face challenges and trials. In this message, Ptr. Allan Rillera urges us to strengthen our faith and obedience to the Lord because He is good and trustworthy.


Basahin sa Bibliya

Genesis 12:1-5; 22:18

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Pumili ng 2 miyembro upang magbahagi ng kanilang natutunan mula sa kanilang personal devotion.
  • Magbahagi ng 2-3 bagay na itinuturing mong pagpapala mula sa Diyos.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata.
  • Anong mahirap na sitwasyon ang kinakaharap ni Abraham? Ano ang mga bagay na kailangan niyang talikuran? Paano napagtagumpayan ni Abraham ang mahirap na sitwasyon sa kanyang buhay?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa buhay ni Abraham?
  • Ilarawan ang relasyon na mayroon si Abraham sa Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Gaano ka kamahal ng Diyos? Paano nagdala ng pagpapala sa atin ang pagsunod ni Abraham sa Diyos?
  • Kamusta ang relasyon mo sa Panginoon?
  • Mayroon bang utos ang Diyos na pinagpapaliban mong sundin? Ano ang humahadlang sa iyo na sundin ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • May kinakaharap ka bang mahirap o mabigat na sitwasyon ngayon? Mula sa natutunan mo mula sa buhay ni Abraham, paano mo ito malalampasan?
  • Sa paanong paraan mo susundin ang Diyos at paano ka magtitiwala sa Kanya?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
    • Na ang mga hindi pagkakasundo sa pamilya ay maiayos nang may pagkakaunawaan at pagpapatawad sa puso.
    • Proteksyon ng mga employer at empleyado na pumapasok sa trabaho.
    • Kaligtasan ng mga frontliners at ng kanilang mga pamilya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Mga Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.