Ang Mapagmahal na Tatay: Understanding the Heart of God
Paano mo ilalarawan ang Diyos? Siya ba ay malayo at walang pakialam? Magagalitin at bantay-sarado sa mga pagkakamali? Mataas at mahirap abutin? Sa mensahe ni Ptr. Mike Cariño, makikilala natin ang tunay na larawan ng Diyos dahil kay Hesus. Ang Diyos ay ang mapagmahal na Tatay na may pusong mapagbigay, mabuti, at maawain.
How will you describe God? Is He distant and out of touch? Temperamental and fault-finding? Too high-up and out of reach? In this message from Ptr. Mike Cariño, the true picture of God is revealed to us through Christ. He is a loving Father with a heart that is generous, good, and gracious.
Basahin sa Bibliya
Luke 15:11-24
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage one another (15-30 mins)
- Ano ang epekto/impluwensiyang dulot ng iyong ama sa iyong buhay?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata.
- Anong klase ng puso ang taglay ng ating Diyos Ama?
- Paano mo naranasan ang puso ng ating Diyos Ama?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Para sa iyo, ang Diyos ba ay isang galit na Ama o mapagmahal na Ama? Bakit?
- Mayroon bang humahadlang sa iyo sa paglapit sa Diyos Ama? Mangyaring ibahagi ito.
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ano ang natutunan mo sa mensaheng ito? Paano ka tutugon sa iyong bagong kaalaman tungkol sa Diyos Ama?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
- Na magkaroon ang mga pamilya ng kapanatagan at tiwala sa Panginoon sa gitna ng mga pagsubok sa buhay
- Para sa kabuhayan ng mga manggagawa upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan
- Pag-asa mula kay Hesus para sa mga taong pinanghihinaan ng loob; pagkakataon para sa mga Kristiyano na makapaghatid ng Magandang Balita sa mga tao
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Mga Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.