Close

November 19, 2023

Huwag Tumigil sa Paglago


Tinatawag tayo ng Panginoon na maging matagumpay laban sa kasamaan at maging maka-Diyos sapamamagitan ng kakayahan at pagpapalang kaloob Niya sa atin. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na ipagpatuloy ang pagnanais na lumago at makibahagi sa buhay at pag-ibig ni Hesus upang maranasan natin ang pagsagana at paglago ng ating buhay Kristiyano.


Basahin sa Bibliya

2 Peter 1:1-11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon sa iyong buhay kung saan nadama mo ang isang malalim na pagbabago o paglago, sa espirituwal man o sa ibang bahagi ng iyong buhay. Ano ang nakatulong sa pagbabagong iyon? Paano ito nakaapekto sa iyong pananaw sa paglago?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang sinasabi sa atin ng v.3 tungkol sa pinagmumulan ng pamumuhay ng maka-Diyos at matagumpay na buhay?
• Kung ipinagkaloob na sa atin ng Diyos ang lahat ng kailangan natin para sa isang malagong espirituwal na buhay, paano naaayon ang “pagsisikap” sa paglagong ito? Ano ang gawain ng Diyos? Ano ang ating parte dito?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan ang Katotohanan na ang buhay na walang hanggan ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng mabuting gawa, ngunit ito ay resulta ng pagkilala kay Jesus. Paano binabago ng Katotohanang ito ang paraan ng paglapit mo sa Diyos at sa iyong espirituwal na paglalakbay?
• Suriin ang iyong sarili: Nagtataglay ka ba ng mga katangiang binanggit ni Peter sa vv.5-8? Tukuyin ang mga parte ng buhay mo na kailangan mong pagsikapan upang lumago. Tukuyin rin kung ano ang maaaring maghikayat at makahadlang sa iyo sa prosesong ito.

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Pumili ng isa sa mga katangiang binanggit sa vv.5-7 at tukuyin ang mga tiyak na aksyon na maaari mong gawin upang lumago at mapalakas ang katangiang iyon sa iyong buhay.
• Tukuyin ang mga praktikal na paraan na maaari mong gawin para sa kapakanan ng iba, kahit na may haraping mga hamon o pagtutol. Paano mo maipapahayag ang pagmamahal sa iyong mga relasyon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos na hindi Niya tayo pinabayaan. Magpasalamat kay Jesus na sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ay naging kabilang sa Kanyang pamilya at maging mga anak ng Diyos. Igalang Siya para sa Kanyang biyaya, awa, at kapayapaan—na ibinigay Niya sa atin ang lahat ng kailangan natin para sa buhay at kabanalan sa pamamagitan ng pagkakilala kay Jesus.
• Ipagdasal na ikaw ay lumago para maipakita mo ang lahat ng katangian ni Kristo. Hilingin ang patuloy na pagnanais na mamuhay ng maka-Diyos na buhay na nagbubunga. Humiling ng kasipagan at disiplina sa iyong paglalakad—na hindi ka umasa sa iyong mga kakayahan kundi magtiwala sa kapangyarihan ng Holy Spirit. Humingi ng tawad para sa mga pagkakataong hindi mo nagawa ito sa nakaraan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.