Close

November 12, 2023

Maging Matatag Sa Pananampalataya

Ipinagkaloob ng Diyos ang simbahan upang ang mga miyembro nito ay magdamayan at magtulungan sa gitna ng mga pagsubok. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Allan Rillera na mahalaga ang pakikibahagi sa isang aktibong komunidad na nagtutulungan upang mapatatag ang pananampalataya ng bawat isa sa harap ng mga hamon sa buhay.

The collective faith of a supportive church helps believers endure life’s trials. This week, Ptr. Allan Rillera reminds us that we are better equipped to stand firm in faith when we are part of an active, faith-based community that helps one another.


Basahin sa Bibliya

1 Peter 5:5-11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ilarawan ang isang responsibilidad na sa kasalukuyan ay hawak mo. Paano mo nalaman na responsibilidad mo ito? Gaano mo kadalas ginagawa ito? Ano ang kadalasang humahadlang sa iyo para gawin ito? Ano ang mga naging bunga ng hindi pagtupad sa responsibilidad na ito?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Dahil sa mga plano ng Kaaway, anong pananaw ang dapat panghawakan ng mga Kristiyano (v.8)? Ano ang dapat malaman ng isang Kristiyano na makakatulong sa kanya na matiis ang mga hamon at tumugon sa Kaaway (v.9)?
• Noong naging Kristiyano ka, anong mga responsibilidad ang inaasahan mong magkaroon? Paano nakakaapekto ang mensahe ngayon sa kung paano mo naiintindihan ang iyong mga responsibilidad bilang isang Kristiyano?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Anong mga alalahanin ang mayroon ka na kailangan mong dalhin sa Diyos?
• Gaano ka konektado sa pamilya ng mga mananampalataya sa buong mundo (mga Kristiyano mula sa lokal/global na mga simbahan)? (Paalala para sa mga lider: Hamunin ang iyong grupo na tumingin nang higit pa sa kanilang mga sarili at magkaroon ng urgency at sensitivity. Ito ay maaaring higit pa sa pinansiyal na probisyon at panalangin.)
 

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa anong paraan ka maaaring magpakumbaba sa iyong sarili sa harap ng Diyos at sa mga tao? • Anong mga diskarte ng Kaaway ang pinaka gumagana laban sa iyo? Ilista ang mga praktikal na bagay na maaari mong gawin upang maging alerto at labanan ang Kaaway upang maging handa ka sa oras ng tukso sa tulong ng Panginoon.
 

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin at pasalamatan si Kristo sa pagdurusa sa Krus, na binayaran ang halaga ng ating mga kasalanan—at sa gayon, sinira ang kapangyarihan ng kasalanan at ni Satanas sa ating buhay. Siya ang tunay na halimbawa ng kababaang-loob. Hilingin sa Diyos na patuloy kang pabanalin at itatag habang isinasagawa mo ang lahat ng Kanyang ipinagkatiwala sa iyo, hindi dahil kailangan mo kundi dahil ito ay pagnanais ng iyong puso na mahalin at paglingkuran Siya nang buong puso, kaluluwa, at isip.
• Humiling ng lakas para magkaroon ng self-control, maging handa maglingkod, matatag sa pananampalataya, at mapagpakumbaba ng puso. Humingi ng tulong upang maging alerto at ng lakas upang labanan ang Kaaway.
• Magsisi ka sa mga panahong umasa ka sa sarili mong lakas at kakayahan at sinubukan mong ayusin ang iyong mga problema at kinabukasan nang mag-isa. Magpasalamat sa Diyos na kaya nating itapon ang lahat ng sakit, pagkabigo, at alalahanin na pumupuno sa atin, at na makuha natin ang Kanyang lakas ngayon at para sa mga susunod na araw.
• Ipanalangin ang iyong mga kapatid kay Kristo sa buong mundo na dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok at paghihirap na iyong kinakaharap.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.