Close

October 22, 2023

Dahil Sa Ating Hope In Christ, We Welcome Suffering As Good

Tulad natin, nakaranas din si Kristo ng mga matinding pagsubok sa buhay. Itong linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na tanggapin ang mga pagsubok dahil pinalalakas nito ang ating karakter, pinapatatag ang ating pananampalataya, at nililinaw ang gawain ng Diyos sa ating buhay.

Like us, Christ also experienced severe trials. This week, Rev. Mike Cariño reminds Chrstians to accept suffering because it builds character, strengthens our faith, and highlights God’s glory in our lives.


Basahin sa Bibliya

1 Peter 4:12-19

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ilarawan ang isang pagkakataon na nakaranas ka ng “blessing in disguise”. Gaano katagal bago mo naunawaan na ito ay isang pagpapala?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang kaugnayan ng pagdurusa sa kalooban (will) ng Diyos?
• Anong mga tiyak na katangian ng Diyos ang itinampok ni Peter upang ang mga mananampalataya ay magtiwala sa Kanya sa pamamagitan ng pagdurusa (v.19)?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Itinuturing mo bang isang pagpapala kapag ikaw ay pinupunan o inilagay sa isang kawalan sa iyong trabaho, pamilya, o mga kaibigan dahil sa iyong pananampalataya kay Jesus? Ano ang makatutulong sa iyo sa pagbuo ng saloobing nagpaparangal sa Diyos?
• Suriin ang iyong sarili: Nakaramdam ka na ba ng kahihiyan sa iyong pananampalataya kay Jesus? Anong mga salita o kilos ang ginagawa mo ngayon na maaaring magpakita sa iba na ikinahihiya mo Siya?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Alin sa limang dahilan kung bakit Christians can welcome suffering as good ang hinihiling sa iyo ng Diyos na tugunan mo ngayon? Anong mga konkretong hakbang ang maaari mong gawin upang malugod mong tanggapin ang paghihirap?
• Ano ang isang sitwasyon sa iyong buhay kung saan maaari kang tumayo at hindi ikahiya ang iyong pananampalataya (marahil kung saan walang nakakaalam na ikaw ay isang tagasunod ni Jesus)?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos na ginawa ni Jesus ang lahat para sa atin. Sa Kanya, mayroon tayong buhay na walang hanggan at katiwasayan. Ipagdasal na ang mga nanunuya at umaabuso sa iyo dahil sa iyong pananampalataya ay mahatulan ng kanilang kasalanan at makarating sa nagliligtas na pananampalataya kay Jesus.
• Tanggapin na maaaring may bahagi sa iyong puso na naghahangad ng madali at walang problemang buhay. Pagnilayan ang talata ngayon at ipaalala sa sarili na ang buhay na ito ay isang lugar ng pagsasanay upang mas mapalapit tayo sa Diyos at matulad sa Kanyang imahe bawat araw. Panghawakan mo ang grace ng Diyos dahil ito ay sapat na sa lahat ng bagay na iyong haharapin—upang makapagbigay ka ng karangalan at kaluwalhatian sa Kanyang Pangalan.
• Hilingin sa Diyos na gawin kang matapang at buo ang loob sa iyong pananampalataya. Humingi ng tawad sa mga panahong nabigo kang gawin ito at kumilos nang hindi tulad ni Jesus sa iyong mga desisyon at pamumuhay. Hilingin sa Diyos na gamitin ka sa mundong ito na may sakit sa kasalanan para mahalin ang iba sa parehong pagmamahal na natanggap mo mula sa Kanya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.