Close

September 3, 2023

Dahil Sa Ating Hope in Christ, We Can Endure Suffering

Sa dami ng pagsubok na kailangan nating harapin sa buhay, ano ang pag-asang maaring panghawakan ng bawat Kristiyano? Ngayong linggo, ipinapaalala ni Rev. Mike Cariño na mayroon tayong buhay na pag-asa kay Kristo na Siyang nagbibigay ng panibagong lakas sa bawat araw upang mapagtagumpayan natin ang anumang pagsubok.

We face countless suffering as we go through life. Is there hope for believers as we go through life’s hardships? Listen to Rev. Mike Cariño this week as he shares that we indeed have a living hope that enables us to endure our current hardships because of the promise of a new day and life.


Basahin sa Bibliya

1 Peter 1:1-12

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng kamakailang karanasan kung saan nadama mo ang kawalan ng pag-asa. Paano mo ito nakayanan?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang kabanata. Sinimulan ni Pedro ang kanyang liham sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanyang mga mambabasa ng kaligtasan na galing sa Diyos. Paano nakakatulong sa atin ang pag-unawa at pagpapahalaga sa ating kaligtasan at pagkakakilanlan bilang manlalakbay (pilgrim) sa pamumuhay ng isang Kristiyano?
• Ano ang ating buhay na pag-asa (v3)? Bakit tinatawag itong “buhay” na pag-asa?
• Ano ang mga katangian ng ating mana sa langit (v4)? Paano ito maihahambing sa mga pamana na iniiwan ng mga taong napakayaman para sa kanilang mga anak?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong puso. Ano ang pumipigil sa iyo na maging masaya sa panahon ng mga pagsubok at pagdurusa?
• Ano ang batayan ng ating paggagalak (v6)? Mayroon ka bang galak na pag-asa, pananampalataya, at pag-ibig sa lahat ng pagkakataon? Kailan ka mas madalas na magalak kaysa sa ibang mga pagkakataon?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ang pagkakaroon ba ng galak na pag-asa, pananampalataya, at pag-ibig ay isang hindi makatotohanang pag-asa? Sa anong mga paraan maaari mong maipakita ang mga ito sa iyong buhay?
• Paano naaapektuhan ng pag-unawa sa ating pag-asa kay Kristo ang iyong mga priyoridad sa buhay? Anong mga konkretong paraan ang iyong gagawin upang matiyak na ang iyong pamumuhay, mga desisyon, at mga paniniwala ay naaayon sa iyong pagkakakilanlan bilang isang manlalakbay? (Paalala para sa mga lider: siguraduhin na ang mga sagot ng iyong mga miyembro ay hindi lamang mababaw na pagbabago)

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Sambahin ang Diyos para sa Kanyang nag-uumapaw na biyaya at awa. Magpasalamat sa Kanya na minahal Niya tayo kahit tayo ay makasalanan at na-convict tayo ng Holy Spirit sa ating pangangailangan kay Hesus.
• Hilingin sa Diyos na tulungan kang mamuhay sa paraang nagpaparangal at nagpupuri sa Kanyang Banal na Pangalan.
• Habang ikaw ay inihahanda para sa iyong makalangit na tahanan, humingi ng tulong sa Diyos upang ikaw ay magalak sa ating pag-asa sa kabila ng iba’t ibang hamon at pagsubok sa buhay. Hilingin na magkaroon ka ng makalangit na pananaw habang ang iyong pananampalataya ay pinapalakas.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.