Close

August 27, 2023

Ang Mabuting Ama

Makikita natin ang perpektong modelo ng pagiging isang ama kapag susuriin natin ang relasyon ni Hesus at ng Diyos Ama . Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Joseph Ouano na ang tunay at wastong paraan ng pagiging isang ama ay nanggagaling sa Diyos. Sa Kanya natin matututunan paano maging isang mabuting tatay.

We see a perfect model of fatherhood when we examine Jesus’ relationship with the Heavenly Father. This week, Ptr. Joseph Ouano reminds us that the practices of true and proper fatherhood come from God; thus, through Him, we can learn the foundations of being a good father.


Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Paano mo ilalarawan ang isang mabuting ama? Umaangkop ba dito ang iyong ama (o mga tinuturing na parang ama)?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong ama (o sa iyong sarili) sa pamamagitan ng mensahe? • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos Ama sa pamamagitan ng mensahe?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Para sa lahat: Sa iyong palagay, natutuwa ba ang Diyos sa iyo? Paano mo nasabi ito?
• Para sa mga ama: Suriin ang iyong puso. Ikinatutuwa mo ba ang iyong mga anak? Paano mo ipinapakita ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang pinanghahawakan mo bilang pagkakakilanlan/identity? Paano nakakaapekto dito ang katotohanan na mahal ka ng Diyos? Maghanap ng mga talata sa Bibliya na tumutukoy kung ano ang iyong pagkakakilanlan. Ibahagi ang iyong nahanap sa isang tao ngayong linggo.

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil Siya ay mabuti at mapagmahal. Dahil sa Kanyang katapatan, maaari natin Siyang sundin sa kahit anong sitwasyon.
• Para sa mga ama: Humingi ng tulong sa Diyos para maging isang mabuting ama
• Ipanalangin na lahat ay makaranas ng pagmamahal at presensya ng Diyos Ama sa kanilang buhay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.