Tough Love: Bakit Ang Pagtutuwid ay Nakabubuti Sa Ating Pagkatao
Tungkulin ng isang ama ang magwasto ng kanyang mga anak kapag sila’y nagkakamali o naliligaw ng landas. Itong linggo, ipinapaalala ni Rev. Mike Cariño na ang wastong pagdidisiplina ng mga anak ay bahagi ng pagmamahal at paggabay ng isang ama—tulad ng pagdidisiplina ng Diyos Ama sa atin.
A good father corrects his children when they make bad choices or lose their way. This week, Rev. Mike Cariño reminds us that—just as our Heavenly Father disciplines us—earthly fathers should use proper discipline to express their love and provide guidance to their children.
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi at pag-iba-ibahin kung paano ka dinidisiplina/na disiplina ng iyong mga magulang, guro, boss sa trabaho, o anumang iba pang awtoridad sa iyong buhay.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong ama (o sa iyong sarili) sa pamamagitan ng mensahe? • Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos Ama sa pamamagitan ng mensahe?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Para sa mga ama: Pag-isipan ang huling pagkakataon na dinisiplina mo ang iyong mga anak. Pagmamahal ba ang motibasyon mo ng pagdisiplina? Mayroon bang mga pagkakataon na kung saan mas nakatuon ka sa simpleng pagwawasto sa panlabas na pag-uugali kaysa sa pagbabago ng puso?
• Para sa lahat: Ano ang iyong karaniwang tugon kapag nahaharap sa mga pagsubok? Aling mga aspeto ng karakter ng Diyos ang madalas mong pinanghahawakan o kaya’y pinagdududahan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa anong mga konkretong paraan hinihiling sa iyo ng Diyos na maging matagumpay sa iyong espiritwalidad ngayong linggo?
• Gumawa ng isang listahan na maaari mong tignan at pagnilayan sa mga oras ng pagsubok. Isama ang mga tanong (1) Ano ang nais gawin o baguhin ng Diyos sa akin sa pamamagitan nito? (2) Sa paanong paraan mabibigyan ng parangal o luwalhati ang Diyos? Ibahagi ang listahang ito sa iyong grupo/accountability partner.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon sa pagiging banal at perpekto. Ang Kanyang pagtutuwid ay mabuti dahil Siya ay mabuti. Magpasalamat na sinisikap Niyang baguhin tayo mula sa loob palabas para sa ating ikabubuti, kahit na hindi ito komportable.
• Para sa mga ama: Humingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga pagkakataong nakatuon ka sa mga pagsubok sa halip na pagwawasto. Kung maaari, umupo kasama ang iyong pamilya at ipahayag ito sa kanila. – Ipanalangin na ang mga ama ay magsikap na disiplinahin ang kanilang mga anak tulad ng kung paano tayo itinutuwid ng Diyos.
• Ipagdasal na matutunan natin kung paano maging mahusay, malaman natin na tayo ay minamahal, at magkaroon tayo ng maka-Diyos na pagkatao dahil sa pagtutuwid.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.