Ang Tatay na Karapat-dapat Sundin
Maituturing na biyaya at tawag mula sa Panginoon ang pagiging isang ama. Paano dapat itaguyod ng isang ama ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa kanya bilang pinuno ng tahanan? Itong linggo, ibabahagi ni Ptr. Joseph Ouano ang mga prinisipyo ng pagiging isang mabuting ama ayon sa layunin ng Diyos.
Fatherhood is both a blessing and a calling from God. How should fathers lead with the authority God has bestowed on them as the head of the family? Listen to Ptr. Joseph Ouano this week as he teaches the principles of Fatherhood that fathers can use to lead in a manner worthy of their Godly calling.
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Nakikita mo ba ang pagiging ama bilang isang pagkakataon upang maglingkod? Nakikita mo ba ito bilang isang bokasyon? Nakikita mo ba ito bilang isang misyon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong ama (o sa iyong sarili) sa pamamagitan ng mensahe?
• Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos Ama sa pamamagitan ng mensahe?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Para sa mga ama: Suriin ang iyong puso. Ikaw ba ay isang ehemplo sa iyong mga anak? Ginagabayan mo ba sila sa kanilang relasyon kay Hesus? Paano mo ipinapakita ang mga ito?
• Para sa lahat: Paano mo ginagamit ang iyong iba’t ibang posisyon bilang isang pagkakataon upang maglingkod sa Diyos at sa lipunan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Para sa mga ama: Anong mga konkretong aksyon ang gagawin mo simula sa linggong ito upang alagaan, palaguin, at i-disiplina ang iyong mga anak?
• Para sa mga hindi ama: Sa anong mga paraan mo masusuportahan ang iyong ama (o mga taong tinuturing mong parang ama) para sila ay maging isang pinuno na karapat-dapat sundin?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang ating Ama sa Langit dahil Siya ay banal at makatarungan. Makakaasa tayo na hindi Niya kailanman aabusuhin ang Kanyang awtoridad.
• Para sa mga ama: Humingi ng kapatawaran sa Diyos at sa iyong pamilya sa mga pagkakataong hindi mo ginamit ang iyong awtoridad para paglingkuran ang Diyos at ang ating lipunan
• Para sa mga hindi ama: Hilingin sa Diyos na tulungan kang patawarin ang iyong ama (o mga taong tinuturing mong parang ama) para sa mga pagkakataong hindi niya ginamit nang maayos ang kanyang awtoridad
• Ipanalangin na ang mga ama ay gamitin at maging huwaran ang pagpapasakop nila sa awtoridad ng Diyos at gawin si Kristo na sentro ng kanilang mga tahanan
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.